^

Punto Mo

Itama ang peace deal

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI dapat masamain ng Muslim community ang na­ging pahayag ni Sen. Miriam­ Defensor Santiago na posibleng may nalalabag sa Konstitusyon ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic liberation Front (MILF).

Mas makakabuting itama ang peace deal na ito habang maaga pa upang hindi naman malabag ang Saligang Batas na dapat sundin ng lahat.

Ayon kay Santiago, hindi lamang isang autonomous region bagkus ay para isang substate ang bubuuin sa ilalim ng CAB na maaaring  hahantong sa pagsasarili o paghihiwalay ng mga lugar sa Mindanao na sasailalim ng nasabing kasunduan.

Dahil dito, panahon na upang ipasuri sa Supreme Court ang legalidad ng CAB upang matiyak na walang nalalabag sa Konstitusyon bago pa man umaksiyon ang Kongreso para pagtibayin ang Bangsamoro entity. Sa mga ganitong pagkakataon ay dapat ng masanay ang MILF sa mga proseso sa pagpapairal ng Konstitusyon na dapat sundin ng lahat .

Hindi naman nangangahulugan na kontrabida ang mga nagsasabing may nalabag sa Saligang Batas ang ilang probisyon ng CAB bagkus ay maaring nais lamang na maging klaro at mawala ang anumang balakid sa implementasyon nito.

Mas magiging kumplikado kasi kapag naisabatas na ang nilalaman ng kasunduan saka pa lamang rerepasuhin ng Supreme Court at ang masaklap ay madeklarang labag sa Konsti­tusyon tulad sa naunang kasunduan na pinasok ng Arroyo administration sa MILF.

Malabo kasing mahimay nang husto ng Kongreso ang pag-aapruba sa Bangsamoro basic law dahil karamihan sa mga mambabatas ay susunod lang dahil kaalyado ng Malacanang at ang iba ay hindi maglalakas ng loob na tumutol.

Asahan na hindi aaminin ng Senado at House na sila ay magiging sunud-sunuran sa pagnanais ng Presidente na mabilis na maaprubahan ang CAB  subalit mayorya sa mga mambabatas ay kaalyado ng administrasyon at posibleng pikitmatang aaprubahan ang panukalang batas.

Ang Supreme Court ang tamang lugar para marepaso ang CAB. Kung ito ay makalusot, wala nang magiging hadlang dito. Asahan na kahit sino pa ang kumontra o magbigay ng mga opinion­ ay puwede nang balewalain upang umusad ang kasunduan.

ANG SUPREME COURT

ASAHAN

BANGSAMORO

COMPREHENSIVE AGREEMENT

DEFENSOR SANTIAGO

KONGRESO

KONSTITUSYON

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with