EDITORYAL – Laging nalulusutan ang mga sekyu
MABUTI at alisto ang dalawang babaing pulis na naka-assigned sa SM Mall of Asia police assistance desk at nadaluhan ang panghoholdap ng mga sinasabing “Martilyo Gang†noong Linggo ng gabi. Napigilan ang mga holdaper sa pagnanakaw sa jewelry store. Isa sa mga holdaper ang naaresto ng dalawang matapang na babaing pulis na nakilalang sina Police Officers Delia at Juliet. Umano’y mabilis na nakaresponde ang dalawa at nakipagbarilan sa may 10 miyembro ng “Martilyo Gangâ€. Umano’y may tinamaan sa mga holdaper ang dalawang babaing pulis sapagkat may nakitang mga patak ng dugo sa isang bahagi ng mall ay mayroon umanong hinubad na damit. Maaaring nagpalit ng damit ang mga holdaper. Mabilis umanong humalo sa mga tao ang mga holdaper.
Ilang beses nang nakapagsasagawa ng panghoholdap sa SM mall ang “Martilyo Gangâ€. Noong Disyembre 2013, nakapasok sa SM North EDSA ang mga holdaper at binasag din ang eskaparate ng jewelry store. Hindi nahuli ang mga holdaper na nakatangay nang maraming alahas. Umano’y gumamit ng martilyo na binili sa isang hardware sa loob ng mall ang mga holdaper.
Naulit na naman ang pangyayari. Nakalusot muli ang mga holdaper. Nagkagulo ang mga namimili ng sumalakay ang mga holdaper. Mabuti at walang natamaan nang makipagbarilan ang mga holdaper.
Ang tanong ay kung paano nakalusot sa mga sekyu ang mga gamit ng holdaper. Hindi ba’t kinakapkapan ang mga pumapasok? Paano nakalampas na hindi nalalaman? Hindi kaya inside job ito? Hindi kaya may kasapakat na sekyu ang mga holdaper?
Delikado ang buhay ng mga namimili sa mall kung hindi magkakaroon ng mahigpit na seguridad. Paano kung bomba ang maipasok?
- Latest