^

Punto Mo

Uok (109)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAGPIPIGLAS ako nang may magtakip ng panyo sa mukha ko. Sa isip ko, katapusan ko na. Tiyak na mahihilo na ako sa ilang sandali. Ito ang kinatatakutan ko kanina pa. Set-up nga ito. May kasabwat nga si Mahinhin. Tapos na si Basil!

“Pero ilang sandali na ang nakalipas ay nanatili ang wisyo ko. At noon ko lang napansin na ang panyong itinakip sa akin ay amoy pabango ng babae. Mabangong-mabango. Imported!

“Nagkaroon ako ng lakas ng loob na hawakan ang kamay na nagtakip ng panyo sa mukha ko. Unti-unti at ubos lakas kong inalis ang pagkakatakip ng panyo sa mukha ko. Hanggang sa unti-unting bumigay ang kamay at naalis ito sa mukha ko. Pati ang panyo ay naalis na rin. Parang napakagaan ng kamay na nakahawak sa panyo.

“Pero kahit na naalis ko na ang kamay ay pilit pa ring ibinabalik ito. Ginamitan ko na nang ubos-lakas na hawak at pinilipit ko ang kamay. Kapag hindi sumunod ang may-ari ng kamay, tiyak na mababali iyon.

“At ganoon na lamang ang pagkagulat ko sa mga sumunod na pangyayari. Talagang gulat na gulat ako! Alam mo ba kung sino ang may-ari ng kamay, Drew?”

“Sino po?”

“Si Mahinhin!”

Gulat si Drew. Hindi nga makapaniwala.

“Bakit po niya nagawa iyon?’’

“Kinatuwaan niya ako. Yun daw ang gusto niya bago may mangyari sa amin. Kakaiba ang style ano?’’

“Kakaiba po talaga. At isipin na mahinhin siya.’’

“Tama ka, Drew. Hindi mo iisipin na ang katulad niyang mahinhin ay may nakatagong kalandian…”

“Nakapagtataka po talaga ang ginawa niya.’’

“At lalo lang manggigilalas kapag sinabi ko sa’yong wala na siyang damit nang takpan ako ng panyo sa bibig…’’

Nanlaki ang mga mata ni Drew.

“Gulat ka ano? Hubo’t hubad na siya.’’

“Sinadya niya talaga, Sir Basil?”

“Oo. Matagal na pala niya akong hinihintay na umakyat. Sa tagal ko raw nang pag-akyat ay nagpalipat-lipat na siya ng kuwarto. At doon nga sa ikalimang kuwarto niya ako hinintay…’’

“Pero bakit daw po kaila-ngan pa niyang takpan ka pa ng panyo?”

“Trip nga niya. Gusto niya ang may thrill muna bago ang aktuwal na paghahamok…”

Napangiti si Drew. Nasasabik naman siya sa sinabing paghahamok.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

GULAT

KAKAIBA

KAMAY

NIYA

PANYO

PERO

SI MAHINHIN

SIR BASIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with