^

Punto Mo

Piloto, tumalon mula sa Eroplano, buhay!

- Arnel Medina - Pang-masa

NAGKAKARGA ng fuel habang nasa ere ang jet fighter ni Cliff Judkins noong 1963 nang bigla itong magliyab.

Nasa panganib ang kanyang buhay kaya mabilis niyang pinindot ang eject button. Subalit ayaw itong gumana. Ilang beses pa niyang pinindot subalit ayaw siyang mag-eject.

Dahil nilalamon na ng apoy ang kanyang jet fighter at maaaring sumabog anumang sandali, napagpasyahan na lamang niyang tumalon mula sa eroplano. Humigit-kumulang, nasa taas siyang 15,000 talampakan. Mayroon naman siyang parachute kaya makakaligtas siya sa kamatayan.

Subalit talagang sinusundan siya ng malas sapagkat ayaw bumuka ang kanyang parachute. Sinubukan niyang buksan ang parachute ngunit nagkabuhol-buhol ang mga lubid sa lalagyan. Ayaw talagang bumuka. Tuloy-tuloy naman ang kanyang pagbulusok.

Mabuti na lamang at sa dagat siya bumagsak. Paglapat sa tubig, saka bumuka ang parachute! Sa kabila na nabali ang mga buto, pinagpilitan ni Cliff na putulin ang lubid ng parachute na nakatali sa kanya. Tatangayin siya ng alon kung hindi makaaalpas sa parachute. Naalis niya ang parachute makaraan ang ilang oras na palutang-lutang.

Natagpuan siya ng isang rescue plane. Hinulugan siya ng isang inflatable raft. Hirap na hirap siya sa pagsampa sa raft dahil maraming bali sa kanyang buto. Hindi niya nagawang buhatin ang sarili paibabaw nito kaya ang kanyang ginawa ay humawak na lamang sa raft. Hanggang isang barko ang dumating at nailigtas siya.

Naging laman ng mga pahayagan ang nangyari sa pilotong si Cliff. Ilang buwan ang inilagi niya sa ospital. Marami ang hindi makapaniwala sa kamangha-manghang kuwento ng kanyang kaligtasan.

AYAW

CLIFF JUDKINS

DAHIL

HANGGANG

HINULUGAN

ILANG

KANYANG

PARACHUTE

SIYA

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with