Uok (103)
“INILAYO ko ang aking hita para hindi makiskis sa hita niya. Wala kaming imikan habang tumatakbo ang traysikel. Mabato ang dinadaanan namin kaya napapasiksik siya sa akin. Malambot ang katawan ni Mahinhin. Nasasamyo ko rin ang pabango niya. Imported ang pabango. Siguro’y binili ng kanyang asawang nasa Saudi.
‘‘Dahil parang ayaw siyang magsalita, ako na ang nagbukas ng usapan. Tinanong ko kung matagal na ang kanyang asawa sa Saudi. Matagal na raw. Mga 20 taon na raw doon. Tinanong ko kung ano ang trabaho. Sa isang sangay daw ng MODA. Sa technical department daw. Tapos ay tiÂnanong ko kung puwedeng dalhin doon ang asawa. Puwede raw kaya lang ay mahal daw ang upa sa bahay dun. Mas mabuti raw na dito na lang sa Pinas.
“Dahil sa pagÂtatanong ko nang mga kung anu-ano, nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob na magtanong. Ano raw ang gagawin ko rito sa probinsiya. Sagot ko, magbabakasyon. Kanino raw? Sagot ko ay sa mga pinsan ko. Tinanong niya ang age ko, sagot ko ay 21. Ang bata ko pa raw pala. Sabi ko naman, katatapos ko pa lang ng kolehiyo at naghahanap ng trabaho. Sabi niya, ba’t hindi raw ako mag-Saudi. Sabi ko’y baka sakali pagdating ng panahon. Tapos inulit niya ang kanyang edad – kuwarenta na raw siya. Mas matanda raw ang kanyang asawa kaysa kanya. Hindi naman sinabi kung gaano katanda sa kanya.
‘‘Sabi ko naman, hindi siya mukhang 40, parang 30 lang siya. Tuwang-tuwa siya. Hinampas pa ako sa hita. Palabiro raw pala ako. Sabi ko pa, akala ko ay dalaga siya. Hinampas uli ako sa hita. Nagpatawa na ako. Kung anu-ano ang mga sinabi ko at wala siyang tigil sa pagtawa.
‘‘Natigil lamang ang pagtawa nang matanaw na malapit na siya sa kanyang bahay. Malapit sa school ang bahay. Malaki ang bahay. Sabi ko maganda ang bahay niya. Katas daw ng Saudi iyon.
“Nagulat ako nang anyayahan niya sa kanyang bahay. Pero sabi ko, saka na lamang. Pupuntahan ko na lamang siya. Sige raw. Aasahan daw niya ang pagpunta ko. Bumaba na siya sa traysikel. Babayaran niya ang drayber pero pinigil ko. Hinawakan ko pa ang kamay niya. Sabi ko ako na ang magbabayad. Tiningnan niya ako nang makahulugan…’’
(Itutuloy)
- Latest