^

Punto Mo

20 paraan para mabawasan ang timbang (1)

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

1. Uminom nang maraming tubig! Mas mabilis bumaba ang timbang kapag hydrated ang iyong katawan!

2. Hatiin ang lahat ng iyong kakainin. Kainin ang nalalabing kalahati matapos ang 2 o 3 oras. Mas mapapabilis ang iyong metabolismo.

3. Iwasan ang karne, kung kaya mo. Ako ay kumakain ng manok at isda lamang. Ang baka, lalo na ang baboy ay hindi na bahagi ng aking diyeta. Mas magaan ang pakiramdam ko, hindi bloated at talagang mami-maintain ang magaan na timbang.

4. Kumain lamang ng sariwa. Anumang nakalagay sa lata at karton ay may preservatives. Iwasan sila.

5. Magdiyeta ng 2 araw sa isang linggo. Kung hindi mo kayang araw-araw ay nakadiyeta, kahit 2 o 3 beses lamang bawat linggo bawasan ang calorie intake mo at maging mas conscious sa mga kinakain mo. Sa mga nalalabing araw, kumain ng ‘normal’ mo.

6. Magbawas ng asukal o matatamis sa iyong kinakain. Minsan hindi lang sa mga dessert tulad ng mga cake at tsokolate natatagpuan ang matataas na level ng asukal. Marami rin niyan sa spaghetti at kape!

7. Iwasan o bawasan ang mga harinang produkto tulad ng mga puting tinapay at pastries.

8. Iwasan ang pag-inom ng alak. Unnecessary at empty calories lamang ang dala nito sa iyo. Uminom ka na lamang ng tubig.

9. Maglakad nang maglakad. Kaysa laging nakaupo. 2 minuto sa bawat 30 minuto man lang. Kung kaya mo itong taasan, mas mainam. At kung kaya mong magtrabaho ng nakatayo, okay din, mas marami kang maba-burn.

10. Matulog nang tama. Taliwas sa akala ng iba na ang mga laging puyat ay mas payat, hindi po. Sa totoo lang kapag puyat ka, mas malakas ka kumain ng mga “bawal.”

(Itutuloy)

vuukle comment

ANUMANG

HATIIN

ITUTULOY

IWASAN

KAININ

KAYSA

KUMAIN

MAS

UMINOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with