Uok (98)
HINDI agad nakasagot si Drew sa tanong ni Basil kung magsiyota sila ni Gab. Hindi niya inaasahan iyon. Isa pa, usapan nila ni Gab na hindi dapat malaman ng ama ang tungkol sa kanilang relasyon. Ngayon ay eto at mismong si Basil pa ang nagtatanong kung magsiyota sila ni Gab.
“Halika, maupo ka muna Drew. Mamaya pa lalabas si Gab dahil natutulog pa yata. Napuyat sa pag-aaral.’’
Naupo si Drew at ganundin si Basil.
“Hindi naman ako nagagalit kung magsiyota kayo. Matutuwa pa nga ako kung ikaw ang siyota ni Gab.’’
Lalong hindi nakapagsalita si Drew. Nasiyahan siya sa sinabi ni Basil.
“Magsiyota ba kayo ni Gab?â€
“Opo. Kailan lang po kami naging magsiyota.’’
“Talaga? Okey ka Drew. Natutuwa ako ay ikaw ang siyota ni Gab. Nakakasiguro ako na hindi mo siya paÂiiyakin…’’
“Hindi po. Pinangako ko sa kanya.’’
“Alam mo kasi, natatakot ako na baka lokohin si Gab ng lalaking makakarelasyon. Alam mo naman, kapag daw ang ama ay nagkaroon nang maraming babae noong araw at pinaiyak, tiyak daw na paiiyakin din ang anak nitong babae. Ayaw ko namang mangyari kay Gab iyon dahil napakabait at napakaÂmasunurin ng anak kong yan.’’
“Yun po ang nagustuhan ko kay Gab, Sir Basil.’’
“Teka, huwag mo nga akong tawaging Sir Basil at para akong naaasiwa. Tawagin mo na kaya akong Daddy tutal naman at magiging anak din kita balang araw.’’
“Sige po Daddy. Kaya lang baka magtaka si Gab kapag narinig na daddy ang tawag ko sa’yo.’’
‘‘Hindi naman siguro.’’
“Kasi Daddy, sinabi sa akin ni Gab na huwag daw sasabihin sa’yo na mag-on na kami. Huwag daw munang ipaalam sa ‘yo.’’
“Bakit daw?’’
“Nahihiya po yata.’’
“Sige di huwag mo akong tawaging daddy kapag kaÂharap siya.’’
“Sige po Daddy.’’
Maya-maya, lumabas na si Gab.
“O Drew huwag mo akong tatawaging Daddy.’’
“Opo Sir Basil.’’
(Itutuloy)
- Latest




















