^

Punto Mo

Masusubukan ang Malacañang sa housing scam

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NGAYON masusubukan ang deklarasyon ng Malacañang na wala itong kinikilingan o pinapaboran kaalyado man basta nasangkot sa katiwalian.

Ito ay kaugnay ng mga ulat na iimbestigahan ang dating pinuno ng Pag-IBIG Fund na ngayon  ay mambabatas sa katauhan ni Marikina Rep. Romero  Quimbo.

Si Quimbo ay naging pinuno ng Pag-IBIG dahil BFF ito ni dating Secretary Mike Defensor at malapit kay dating Presidente at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Natatandaan ko noong ako pa ang presidente ng Malacanang Press Corps, madalas magtungo si Quimbo sa Malacañang na para bang isa siya sa mga anak ng dating Presidente. Talaga namang nakadikit siya sa Presidente at iba pang opisyal sa Palasyo.

Pero laking gulat ko na lang at ng iba pang taga-media na nakakakilala kay Quimbo dahil para itong balimbing na biglang lumipat sa bakuran ng Liberal Party.

Hindi ba nalaman ni P-Noy kung gaano kadikit si Quimbo sa nakaraang Arroyo administration?

Si Quimbo ay puwedeng ihambing sa ginawang diskarte ni Samar Rep. Ben Evardone (gobernador pa siya noon) na halos araw-araw ay nasa Malacañang. dahil sa sobrang kasipsipan kay President Arroyo. Pero nagulat din ang lahat dahil nakatalon agad ito sa kampo ni P-Noy at DILG Secretary Mar Roxas.

Hindi puwedeng paligtasin sa imbestigasyon si Quimbo kahit pa ito ay kaalyado ng administrasyon at may malaking papel sa impeachment laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Masusubukan ang administrasyon kung talagang tutuluyan si Quimbo sakaling may lumabas na ebidensiya laban dito. Imbestigahan din ang iba pang dating opisyal ng Pag-IBIG para makakuha ng katarungan ang mga nalokong miyembro.

Handa naman daw si Quimbo na humarap sa imbestigasyon. Pagkakataon daw ito na malinis ang kanyang pangalan sa usapin ng housing scan na nag ugat sa kaso ng negosyanteng si Delfin Lee.

Sana ay matiyak din sa imbestigasyon kung nangyayari pa rin ba ang palusutan o anomalya sa ahensiya. Baka binago lang ang pamamaraan pero sumatutal, ganundin na may nangyayaring milgaro sa Pag-IBIG.

 

BEN EVARDONE

DELFIN LEE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

LIBERAL PARTY

MALACA

MALACANANG PRESS CORPS

PAG

QUIMBO

SI QUIMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with