Lalaki, 3 araw sa loob nang lumubog na barko, nakaligtas
KAMANGHA-MANGHA ang pagkakaligtas ni Harry Okene sa lumubog na barko na kanyang pinagtratrabahuhan.
Noong umaga ng May 26, 2013, nagiÂsing si Okene para pumunta sa comfort room. Noon niya naramdaman ang mga malalaking alon na humahampas sa barko. Kasalukuyan palang may ocean swell o pagkakaroon ng mga malalaking alon dahil sa high tide.
Biglang tumagilid ang barko at pinasok ng tubig. Habang unti-unting lumulubog nagawa ni Okene na makakuha ng pagkain at inumin at naghanap ng isang silid sa barko na hindi pa pinapasok ng tubig. Doon siya namalagi. Hindi pinapasok ng tubig ang silid dahil naipon ang hangin sa loob nito at hindi makalutang pataas.
Walang kamalay-malay si Okene na nasa 100 talampa-kan na ang lalim ng barkong sinasakyan. Naririnig niya mula sa labas ng silid ang tunog ng mga nagbabangayang pating. Nag-aagawan ang mga ito sa bangkay ng mga kasamahan niya sa barko.
Lumipas ang tatlong araw. Nakarinig si Okene ng ingay mula sa recovery team. Gumawa siya ng ingay gamit ang isang martilyo. Narinig siya. Iniahon siya mula sa barko.
Humanga ang mga diving expert kay Okene kung paano ito nakatagal sa 100 talampakan ang lalim na tubig sa loob ng tatlong araw na ang tanging suot ay underwear.
- Latest