^

Punto Mo

Lucky Date

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MARUNONG akong magkuwenta kung kailan ang lucky date para sa pagpapakasal gamit ang numerology. Nalalaman ko rin ang characteristic ng isang tao sa pamamagitan ng pagkukuwenta ng kanyang first name, surname at birthday. Lumalabas din sa pagkukuwenta kung siya ay gay (bakla o tomboy). Nanghihinayang lang ako at nang matutuhan ko ang mga bagay na ito, lalo na ‘yung pagkukuwenta sa lucky name ay malalaki na ang aking mga anak. Sana ay nabigyan ko sila ng mas masuwerteng pangalan.

Minsan ay lumapit sa akin ang isang kaibigan at ipinakuwenta kung ano ang magandang date para sa kasal ang kanyang kaibigan. Ibinigay niya ang pangalan at birthday ng magkasintahan at kung anong buwan nila planong magpakasal. Sa pamamagitan ng pagkukuwenta ng pangalan at birthday, nalaman kong malakas ang tendency ng lalaki na mangaliwa. Nasa kapalaran niya ang magkaroon ng higit pa sa isang asawa. Hindi ko sila kilala. Ni hindi ko alam ang kanilang hitsura. Nakita ko lang ang mga bagay na iyon sa pangalan at birthday ng lalaki. Magkaganoon pa man, ang masuwerteng petsa lang ng kasal ang ipinaalam ko sa magkasintahan. Sinarili ko na lang ang nalaman ko sa lalaki.

Lumipas ang maraming taon, nagkita kaming muli ng kaibigan ko na kumunsulta sa akin. Ikinuwento niyang nagkahiwalay ang kanyang kaibigan na nagpatanong kung kailan ang masuwerteng panahon ng pagpapakasal. Sabi niya:

“Akala ko ba kapag nagpakasal sa masuwerteng petsa, magiging masuwerte ang pagsasama. Bakit sila nagkahiwalay?”

“Babaero kasi ‘yung lalaki” sagot ko.

“Paano mo nalaman?”

“Sa pangalan at birthday ng lalaki.”

“Bakit di mo sinabi sa friend ko? ”

“Hindi tama na gawin ko iyon. Una, hindi kami magkakakilala at napaka-personal na bagay iyon. At panghuli, lucky date lang ang itinanong at hindi ang magiging kapalaran nila.”

Ngayon, kapag may kumukonsulta sa akin, petsa lang ang aking kinukuwenta. Hindi ko na pinakikialamang i-analyze ang pangalan ng magkasintahan. Nalulungkot lang ako kapag may nakita akong hindi maganda sa magiging kapalaran nila. Tapos hindi ko rin naman masasabi sa kanila ang  pangit na mangyayari. At saka hindi ko pinangarap na maging MADAM…Madam Manghuhula.

 

vuukle comment

BABAERO

BAKIT

IBINIGAY

IKINUWENTO

LANG

LUMALABAS

LUMIPAS

MADAM MANGHUHULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with