^

Punto Mo

EDITORYAL - Sige pa, LTFRB!

Pang-masa

M ALAKI na ang pagbabago ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)­. Hindi na sila ang dating LTFRB na malamya sa mga bus company na nagdadala sa kanilang mga pasahero sa bangin ng kamatayan. Mabangis na sila ngayon.

Tama lang na maging mabangis ang LTFRB para magkaroon ng leksiyon ang mga bus company at pati mga driver nila. Kung hindi magpapakita ng bangis ang LTFRB, ang mamamayang pasahero ang kawawa. Sila ang unang apektado ng kawalang ingat ng mga bus driver. Marami na ang namamatay dahil sa human­ error.

Noong nakaraang linggo, inihain na ng LTFRB ang 30-araw na suspension sa bus company na nag-ooperate sa Mayamy Transport. Hindi makabibiyahe sa loob ng isang buwan ang lahat nang Mayamy bus dahil sa kinasangkutang insidente ng isang unit nila sa Commonwealth Avenue noong Sabado ng tanghali. Dahil sa bilis ng takbo ng Mayamy tumawid ito sa kabilang lane at inararo ang 10 sasakyan kabilang ang isang motorsiklo. Sampung tao ang nasugatan sa pangyayari. Katwiran ng bus driver, may iniwasan siyang motorsiklo at nawalan siya ng preno. Pero sabi ng mga pasahero, mabilis ang pagpapatakbo ng drayber at nakikipag-agawan ng pasahero. Ang Commonwealth Avenue ay tinaguriang “killer avenue” dahil sa dami ng mga naaaksidenteng sasakyan. Sixty kph lamang ang takbo sa nasabing highway.

Marami nang bus company ang nasampolan ng LTFRB dahil sa walang pakundangang pagmamaneho. Kabilang dito ang Florida Bus na nahulog sa bangin sa Bontoc, Mountain Province. Suspendido ang Florida sa kasalukuyan dahil sa malagim na aksidente na ikinamatay ng 14 na pasahero. Sinuspinde naman nang tuluyan ang prankisa ng Don Mariano Transit dahil sa pagkahulog sa Skyway na ikinamatay ng 24 na pasahero.

Ipagpatuloy pa ng LTFRB ang kabangisan sa mga pasaway na bus company. Paigtingin din sana nila ang kampanya laban sa mga sasakyang kolorum na naglipana sa kalye.

ANG COMMONWEALTH AVENUE

BUS

COMMONWEALTH AVENUE

DAHIL

DON MARIANO TRANSIT

FLORIDA BUS

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with