^

Punto Mo

Babae sa Poland inilibing nang buhay, nakaligtas gamit ang engagement ring

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KARANIWAN na ang kuwento na inililibing nang buhay sa pelikula o TV pero ito mismo ang naranasan ng isang babae sa Poland nang ilibing siya nang buhay ng sariling kasintahan.

Pinagtangkaang patayin si Michelina Lewandowska ng kanyang boyfriend sa pamamagitan ng pagkuryente sa kanya gamit ang Taser gun. Matapos siyang maparalisa dahil sa lakas ng boltahe ng Taser, iginapos siya at isinilid sa isang kahon. Dinala ang kahon sa isang liblib na lugar at doon inilibing ng kanyang boyfriend at mga kasabwat nito. Sinigurado ang kanyang kamatayan dahil tinakpan ng lupa ang mga butas sa kahon na maaring daanan ng hangin.

Pagkatapos gawin ang krimen ay pinagnakawan pa ng kasintahan si Michelina. Nakuhanan ng CCTV ang lalaki na nagwi-withdraw sa isang ATM gamit ang card ni Michelina.

Mabuti na lamang at suot ni Michelina ang engagement ring na ibinigay sa kanya ng lalakIng naglibing sa kanya. Ito ang ginamit niya upang putulin ang masking tape na pinanggapos sa kanya. Nakatulong din ang singsing para unti-unti niyang mabutas ang kahon na pinagsiliran sa kanya. Nakalabas siya.

Ayon kay Michelina, nagsawa na raw sa kanya ang lalaki kaya nito nagawa ang tangkang pagpatay sa kanya.

Sinampahan ng murder ang lalaki at kasalukuyang nililitis.

vuukle comment

AYON

DINALA

KANYA

MATAPOS

MICHELINA

MICHELINA LEWANDOWSKA

NAKALABAS

NAKATULONG

TASER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with