^

Punto Mo

Bayan sa Oklahoma, inatake ng sangkatutak na kuliglig

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pangkaraniwan at tahimik na bayan ang Tulsa sa Oklahoma, ngunit noong Setyembre ng nakaraang taon, nagmistula itong pinangyarihan ng isang horror na pelikula. Big­la na lang naglipana ang sangkatutak na mga kuliglig na mabilis na kuma­lat at tuluyang sumakop sa buong Tulsa.

Ayon sa mga residente ng Tulsa, nagkalat ang mga kuliglig hindi lamang sa mga kalsada at mga pampublikong lugar kundi pati na rin sa mga kasuluk-sulukan ng kanilang mga pamamahay.

Bukod sa pagkarindi dahil sa huni ng libu-libong buhay na kuliglig sa paligid nila, naperhuwisyo rin ang mga residente ng Tulsa dahil sa masamang amoy ng mga patay na kuliglig. Inihalintulad ng isang residente ang amoy ng mga patay na kuliglig sa nabubulok na karne. Diring-diri na ang mga nakatira sa Tulsa sa mga salot na umokupa ng kanilang bayan.

Ayon sa mga eksperto, pangkaraniwan lang na naglalabasan ang mga kuliglig sa Setyembre dahil ito talaga ang buwan na napipisa ang kanilang mga itlog. Ang kakaibang dami naman ng mga kuliglig na sumalakay sa Tulsa ay maaring dahil sa matinding init at tag-tuyot na naranasan ng nasabing bayan. Gustong-gusto ng mga kuliglig ang maalinsangan na panahon kaya maaring nakaapekto ito sa pagdami ng mga kuliglig na nangitlog at sa pagdami ng mga itlog na napisa.

Tuwang-tuwa naman ang mga exterminator sa Tulsa dahil lumakas ang kanilang negosyo sa dami ng mga customer na gustong magpaserbisyo sa kanilang mga bahay na pineste ng mga kuliglig.

AYON

BUKOD

GUSTONG

INIHALINTULAD

KULIGLIG

SETYEMBRE

TULSA

TUWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with