^

Punto Mo

6 na tao na type kagatin ng lamok

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ALAM n’yo ba na babaing lamok lang ang nangangagat sa tao? Iyon ay dahil kailangan nila ang human blood para ma-fertilize ang itlog sa kanilang “sinapupunan”. Kung may lala-king habulin ng babae, may tao rin na habulin ng lamok. Di ba’t kung minsan ay nagrereklamo ka na ikaw lang ang dinadapuan ng lamok pero ang mga kasama mo ay hindi naman inaabala ng lamok gayong nasa iisa lang kayong kuwarto. Isa sa bawat 10 tao ay mataas ang level ng pang-akit sa lamok. Sino ba ang pinipiling kagatin ng lamok?

Mga taong mataas ang concentration ng steroid sa katawan. Ito ay sumisingaw sa balat at naaamoy ito ng lamok.

Taong mataas ang level ng cholesterol. Hindi lahat ng may mataas na cholesterol ay sumisingaw ang amoy nito sa balat. May mga taong pawisin kaya’t mabilis na naaamoy ito ng lamok.

Mga taong sobrang mag-produce ng uric acid sa kanyang katawan. Mabilis na naaamoy ng lamok ang uric acid na sumisingaw sa katawan. Mga 50 meters ang naabot ng pang-amoy ng lamok.

Ang amoy ng carbon dioxide na inilalabas ng ating baga ay type na type ng lamok. Naaamoy nila ito kahit higit sa 50 meters ang kanilang distansiya. Mas malaking tao, mas marami ang naibubugang carbon dioxide kaya malalaking tao ang kinakagat at hindi mga beybi.

Ang mga buntis ay nagbubuga ng mas maraming dioxide kaya sila ay nagiging target din ng lamok.

Iwasang magtatakbo sa malamok na lugar. Mas lalong naaakit ang lamok sa taong gumagalaw nang mabilis. Isa pa, kung tumatakbo, ang tendency ay humingal at magbuga ng maraming carbon dioxide.

 

vuukle comment

ISA

IWASANG

IYON

LAMOK

MABILIS

NAAAMOY

SINO

TAONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with