^

Punto Mo

Mga nag-aambisyon sa 2016, lumantad na

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAKABUBUTING lumantad na ang mga nag-aambisyon na kumandidatong presidente sa 2016 elections.

Ang nagdedeklara pa lamang na kakandidato sa 2016 ay si Vice President Jejomar Binay at si Sen. Allan Peter­ Cayetano. Pero ayon kay Cayetano­, pag-iisipan pa niya kung sa 2016 elections­ o sa mga susunod pang election­ siya sasabak. Masyadong napakaaga naman kung sa 2022 o 2028 pa kakandidato si Cayetano.

 Ayaw pang umamin ni DILG secretary Mar Roxas bagamat pinaniniwalaan ng lahat na siya ang mamanukin ng adminis­trasyon para maging kahalili ni P-Noy.

Mabuting malaman ng taumbayan ang mga kakandidatong presidente at bise presidente para makaliskisan at masuri ng publiko. Hindi naman masasabi na maagang pamumulitika dahil hindi biro ang preparasyon sa pagkandidato bilang presidente.

Kahit hindi naman nila agad iaanunsiyo sa publiko nang pormal ay nakikita naman sa kilos ng mga pulitiko ang may ambisyon na maging presidente.

Mas maraming kandidato, mas okey para may pagpipilian ang publiko. Dapat makita kung ano ang mga plataporma ng mga nais maging lider ng bansa.

Tulad kay Cayetano, mabuting umamin na siya sa ambisyong maging presidente dahil kita naman sa galaw niya ang pagsakay sa mga isyu ng bayan at ang pag-atake kay Binay.

Paalala ko sa mga nag-aambisyong maging presidente, destiny­ ’yan na hindi maaaring daanin sa dami ng pera at popularidad.

Sana, makapili na ang mamamayan ng presidente na ha­hango sa kahirapan at maglilinis sa katiwalian na naumpisahan ni P-Noy.

 

ALLAN PETER

AYAW

CAYETANO

MAR ROXAS

P-NOY

PRESIDENTE

SHY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with