Uok (84)
“O O, bumalik ako sa bahay ni Pacita kinabukasan,†sabi ni Basil.
“Hindi ka po nag-isip na baka mayroong makakita sa pagbalik mo sa bahay?â€
“Hindi ko na naisip ‘yun. Ang nanaig sa akin ay muÂling matikman si Pacita. At saka para bang na-challenged ako sa anyaya niya na bumalik ako. Kasi hindi na ako mahihirapan dahil hihintayin daw ako at nagbanta pa na magagalit daw sa akin kapag hindi ako nagbalik…’’
“Sa palagay mo po, napaibig mo si Pacita?â€
“Hindi ko alam kung pag-ibig ang tawag dun. Para sa akin, hindi pag-ibig kundi pagkasabik sa laman. Masyado siyang nasiyahan.’’
Napangiti si Drew.
“Okey lang na ituloy ko ang kuwento Drew?â€
“Opo Sir Basil. Wala naman pong masama pagkukuwento mo. At saka may sapat na naman akong pag-iisip. Hindi na ako menor-de-edad.’’
“Sabagay. Iniisip ko kasi, baka masyado nang censored ang mga kinukuwento ko.’’
“Hindi po. Siyempre kailangang may banggitin na bahagi ng katawan para maging malinaw ang paglaÂlahad.’’
“E di ituloy ko na ang pagkukuwento sa mga nangyari sa amin ni Pacita?â€
“Opo, Sir Basil.â€
“Nagbalik nga ako kinabukasan. Mas maaga pa kaysa sa sinabi ni Pacita. Mga alas siyete ng umaga ay naroon na ako sa bahay niya. At nang makita ako ni Pacita ay namilog ang mga mata niya. Nakatanaw pala siya sa bintana at inaabangan ako. Nang makitang paparating ako ay agad na binuksan ang pinto ng bahay. Mabilis na isinara.
“Siya na ang unang yumakap at siniil ako ng halik sa labi. Bagong paligo si Pacita. Naka-daster siya pero nasalat ko na wala na siyang damit panloob. Talagang nakahanda na siya sa mangyayari. Mabango ang hininga ni Pacita. Sa ginawa ni Pacita na pagsiil sa labi ko, lalo akong nakadama ng kakaibang init. Gumagapang ang init. Mas mainit ang nadama ko kaysa nakaraang pagtatalik namin. Yung una kasing pagtatalik namin ay medyo kinakabahan pa.
“Nang bumitaw si PaÂcita sa paghalik ay tinanong ko kung may kasama siya sa bahay. Wala raw. Nasa school daw ang kanyang pamangÂking babae. Bakit ko raw tinatanong. Sabi ko’y baka may makakita sa amin. Wala raw. Huwag daw akong matakot.
“Sabi ko’y mabuti nang nag-iingat. Pero sabi niya’y huwag akong matakot. Pagkatapos ay hinila na niya ako papasok sa kuwarto. Ako naman ay sunud-sunuran. Siya na nga ang agresibo. Iba palang “magwala†ang mahinhin na tulad ni Pacita. Sa totoo lang talagang matapang na matapang siya. Walang takot. Wala nang kung anu-ano pang kaartehan.
“Hanggang sa maglapat na ang aming katawang hubad sa kama. Mainit na mainit kami. Kung maaari lang magliyab ang kuwarto, baka nasunog na kami. Talagang ganoon na lamang ang pagkasabik ni Pacita. Umaapaw na umaapaw…
“Hanggang sa mangyari muli ang pag-angkin ko sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang kasiyahan…
“Wala kaming kamalay-malay na umuwi ang pamangkin niya. Pinauwi yata ng maaga. Nahuli kami sa kuwarto…â€
(Itutuloy)
- Latest



















