^

Punto Mo

Mass transport mas tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa tindi ng trapik na nararanasan sa mga lansangan sa kasalukuyan, marami sa ating mga kababayan ang nagpasyang ang mga tren ng MRT, LRT o ng PNR ang kanilang naging sandigang sakyan.

Napakalaking ahoro sa oras kung ang ganitong mga mass transport talaga ang sasakyan ngayon ng marami nating mga kababayan.

Kahit ka pa nga walang upuan o makipagsiksikan na mistulang magkapalitan na ng mukha, sa bilis naman ng biyahe ay hindi mo na ito maaalintana, dahil sandali lang nandon ka na sa iyong pupuntahan.

Kaya nga hindi maikakaila, lalu na sa mga rush hour eh makikitang namumutakti ang mga pasahero sa mga nabanggit na train, bukod pa ang mahabang pila pa sa mga istasyon.

Sulit naman kasi kapag nakatuntong ka na sa loob ng tren  sandali na lang ang iyung ipaghihintay sa biyahe.

Hindi katulad ang pagbibiyahe sa mga kalye, na kahit ka pa naka-aircon, stress pa rin ang talagang aabutin dahil sa matinding trapik.  Lalo na sa panahong ito na  sabay-sabay   ang konstruksyon sa mga lansangan dahil sa iba’t ibang proyekto.

Kaya nga lang, marahil ay dahil sa dami ng isinasakay araw-araw, kaya naman madalas na magkaroon ng aberya sa mga operasyon lalu na sa LRT at MRT ng mga train.

Dapat siguro ang  mass transport na gaya ng mga  ito ang mas dapat matutukan ng pamahalaan dahil sa malaki ang kapakinabangan. Ito rin marahil ang maaaring  magiging sagot sa matagal nang problema ng matinding trapik sa bansa.

Hangga’t maaari nga dapat pang madagdagan ang mga bumibiyaheng bagon para mas marami pa ang maserbisyuhan. Ang maintenance dapat ding mapalakas para naman hindi madalas ang aberya o pagkabalam ng biyahe.

Sa ibang mauunlad na bansa­ ang ganitong mass transport ang talagang alaga ng gobyerno at ito na rin ang siyang pangunahing transportasyon na gamit ng kanilang mga mamamayan, maging mahirap at mayaman.

DAPAT

HANGGA

KAHIT

KAYA

NAPAKALAKING

SULIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with