Uok (82)
“NAKAAWANG ang pinto kaya nakita ko ang ginagawa niyang pagpapalit ng damit. Natural, nasa kainitan ako ng mga panahong iyon, kaya natukso akong panoorin ang pagpapalit niya ng damit. Aywan ko kung nalimutan lamang ni Pacita na i-lock ang pinto o sadyang iniwan na nakaawang. Kung hindi nakaawang ang pinto e di hindi sana ako matutuksong silipin ang ginagawa niya,†pagkukuwento ni Basil at sabik naman habang nakikinig si Drew. Napakalinaw magkuwento ni Basil kaya naiimadyin ni Drew ang mga sinasabi nito ukol kay Pacita.
“E di talagang nakapagkit na po ang mga mata mo sa nakaawang na pinto, Sir Basil?’’
“Oo. Disiotso ako noon at nasa kainitan.’’
“Pinasok mo po si Pacita sa kuwarto.’’
‘‘Hindi Drew. Hindi ako namumuwersa ng tsik. Katwiran ko, kapag pinuÂwersa mo ang tsik, tiyak na may dalahin ka sa konsensiya. Kahit ako’y ubod ng bogli, hindi ko magagawang puwersahin ang babae…’’
“Paano pong nangyari, Sir Basil?â€
“E di nakasilip ako sa pinto. Pinagmamasdan ko si Pacita. Naka-panty lang siya ng itim. Walang bra. Ang ganda pala ng katawan ng babaing iyon. Hindi lang halata ang hubog ng katawan dahil laging mahaba ang palda at laging naka-long sleeves. Pero ubod pala ng ganda. Napaka-kinis. Nang tumagilid, walang kaumbok-umbok ang puson. Halatang hindi pa nanganganak. Parang dalaga pa si Pacita. Siguro nga’y dahil laging wala ang asawa kaya hindi pa gaanong gastado ang katawan.
“Pinagmasdan ko pa ang katawan niya. Napaka-liit ng baywang. At yung suso niya, perpekto. Tamang-tama ang umbok! Parang suso pa ng dalaga…’’
Napangiti si Drew. NapaÂkalinaw magkuwento ni Sir Basil. Parang nakikita niya rin ang kabuuan ni Pacita.
Nagpatuloy si Basil.
“E di seryosong-seryoso akong nakasilip nang bigla ay itulak ni Pacita ang pintoÂ. Huli akong nakasilip. Walang kawala!’’
“Ano pong sabi?’’ Atat na si Drew na malaman ang sunod na pangyayari.
“Nakatingin lang sa akin si Pacita. Hindi galit. Para bang inaasahan na niya na talagang sisilip ako sa kuwarto niya. At siguro nga kaya niya iniwang bukas iyon ay dahil gusto niya akong papasukin sa kuwarto niya...’’
‘‘Pinapasok ka, Sir Basil?’’
‘‘Oo. Ibinukas niya nang todo ang pinto! Ako naman ay talagang sagad na ang nararamdaman. Kasi nga’y nasa kainitan.’’
(Itutuloy)
- Latest

















