^

Punto Mo

Mga kolorum na bus, tuldukan na

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

KUNG mapapansin ng mga motoristang dumadaan sa EDSA, kapag hindi rush hour ay medyo maluwag ang daloy ng trapiko sa magkabilang panig. Bumibigat lang ang trapiko kapag rush hour na oras ng pasok at uwian.

Pero batay sa aking pagsusuri, isa sa dahilan pala kaya may mga oras na lumuluwag ang trapiko sa EDSA kapag hindi rush hour ay dahil may isinasagawang operasyon ang LTFRB sa mga kolorum na bus. Kung araw-araw ang operasyon­ ng LTFRB ay laging luluwag ang trapiko sa EDSA.

Ngayon napatunayan na talagang maraming kolorum ng bus sa EDSA na matagal na ring nakakalusot dahil sa sabwatan ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.

Buti naman at napakagaling nang namumuno sa LTFRB sa katauhan ni Atty. Winston Ginez dahil aktibo siya sa pagsasaayos ng sistema sa transportasyon ganundin sa mga abusadong bus company.

Panahon na upang tuldukan ng LTFRB ang mga kolorum na bus lalo na sa Metro Manila. Linisin ang mga transaksiyon at dokumento ng mga prankisa ng lahat ng pampublikong sasakyan sa bansa.

Nabisto rin na may mga milagrong nangyayari sa LTFRB sa mga nakaraang administrasyon. May mga bus company na na­bigyan ng prankisa pero wala man lang tax identification number (TIN) na pinaka-basic na requirement sa prankisa.

Maraming malagim na aksidente ang kinasasangkutan ng mga bus kaya magandang pagkakataon na ito para matuldukan ang pang-aabuso ng mga kompanya ng bus.

Sana, hindi ningas-kugon si Ginez at tapusin na ang problema sa pampublikong transportasyon para sa kapakanan ng mga commuters. Buo ang suporta ng publiko sa LTFRB  kaya dapat ituloy-tuloy ni Ginez ang reporma.

BUMIBIGAT

BUO

BUS

BUTI

GINEZ

LINISIN

METRO MANILA

WINSTON GINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with