Reselling
NOONG Pebrero, binuksan ko ang Baked Bites by ABC sa pagbebenta ng aking best-selling Nutella Rocks cookies sa mga probinsiya. Matapos ang aking fasting period, ibinulong ng Diyos na ang susunod na hakbang sa pagpapalaki ng negosyong ito ay ilapit sa mga malalayong lugar. At mangyayari ito sa pagkakaroon ng official resellers sa iba’t ibang lalawigan.
Hindi lamang kita ang pangunahin kong dahilan sa pagkakaroon ng mga resellers. Isa sa mga hangarin ko ay ang kumita ang mga stay-home moms at magkaroon sila ng sense of fulfillment. Alam kong maraming nanay diyan ang nais ding may pagkaabalahan na mapagkakakitaan habang inaalagaan ang kanilang mga anak. Sa tingin ko ay magandang oportunidad naman ang aking nadala sa kanila dahil ayon sa kanilang mga text at e-mail feedbacks ay para bang nabuhayan sila at naligayahang kahit sila ay nasa tahanan lamang ay kumikita sila.
Hinihikayat ko kasi ang pagiging entrepreneurs para hindi maging empleyado habambuhay. At baka sakaling ang pagbebenta ang passion nila sa buhay, nais kong maging tulay upang matuklasan nila ito.
Higit sa lahat, marahil ang pinakamahalagang rason kung bakit itinanim sa akin ng Diyos ang ideyang ito ng pagre-resell ay upang maikalat ko ang Magandang Balita, at maibahagi sa mas marami pang tao kung papaano binago ng Diyos ang buhay ko sa pamamagitan ng pagkakaloob niya sa akin ng negosyong ito.
Kung hindi ako nagkaroon ng anak nang maaga, kung hindi ako lumagapak at tumingala sa Kanya, kung hindi ko Siya nakilala, at hindi Niya binago ang buhay at puso ko, hindi ako magkakaroon ng dahilan upang bumangon at humanap ng paraan upang mabuhay ang aking anak. Siya ang naging gabay ko sa lahat ng ito, at patuloy Niyang pinakikita sa akin na kapag ikaw ay tapat, ikaw ay pagpapalain. Ito ang magandang balitang nais kong ibahagi sa aking official reÂsellers, na dahil sa aking panaÂnalig kaya ko tinatamasa ang lahat ng biyayang ito ngayon. Dahil sa Kanya nagbago at labis na gumanda ang buhay ko at mangyayari rin ito sa kanila kung uunahin nila ang nasa Itaas. With good news comes more good news.
Salamat Lord sa pagkakaÂtaong ito at sa mga sunud-sunod na magagandang pangyayari. Dalangin kong baguhin mo rin ang buhay ng aking resellers.
- Latest
















