Mga Sikat na Takot Tumaba
“EATING disorder†ang tawag sa anorexia nervosa at bulimia nervosa. Ang “eating disorder†ay resulta ng pagnanais na maÂging seksi sa maling paraan. Ang anorexia ay pag-iwas na kumain sa takot na tumaba. Ang bulimia ay walang tigil na pagkain kahit busog pero takot na tumaba kaya pipilitin niyang maisuka ang lahat ng kanyang kinain. Marami pang klase ng eating disorder pero nilimitahan ko lang ang diskusyon sa dalawang nabanggit dahil ito ang kadalasang sakit ng mga sikat na kasama sa aking kuwento. Mga sikat na may “eating disorderâ€:
Alanis Morissette—Canadian singer na may anorexia sa unang bahagi ng pagpapapayat tapos bulimia sa bandang huli sa edad na 14 hanggang 18. Nagpagamot at ngayon ay magaling na.
Ana Carolina Reston—isang Brazilian fashion model na namatay dulot ng anorexia nervosa noong 2006.
Ashlee Simpson—kapatid ng singer na si Jessica Simpson. Halos kalansay na sa kapayatan dulot ng anorexia. Magaling na raw siya, sabi niya. Pero hindi naniniwala sa kanya ang media dahil patuloy pa itong pumapayat.
Christy Henrich—isang American gymnast na nagkamit ng maraming medalya. Noong 1989 ay sinabihan siya ng isang US judge na magpapayat para ma-qualify sa Olympic team. Sineryoso niya ito hanggang sa magkaroon siya ng full-blown anorexia nervosa. Noong 1994 ay bumaba ang kanyang timbang hanggang 47 pounds. Naospital siya at namatay pagkaraan ng walong araw.
Elton John—sikat na British singer na umamin na drug addict siya, at the same time ay may bulimia kaya ipinasok niya ang sarili sa rehabilitation center para sabay na ipagamot ang dalawang sakit. Pagkalabas sa rehab ay inamin niya sa publiko na siya ay bakla. Ngayon masaya na siya sa kanyang buhay dahil hinarap niya at sinulusyunan ang kanyang problema.
(Itutuloy)
- Latest