^

Punto Mo

Ready-to-eat pizza na tatagal ng 3 taon dinidebelop na para sa mga sundalo

- Arnel Medina - Pang-masa

NAGSASAWA na raw ang mga sundalong Kano sa regular na rasyon ng pagkain kaya humiling sila na sana ay magrasyon naman ng kakaibang pagkain gaya ng pizza. Nasasabik daw sila sa pizza habang nasa field.

Kaya naman agad kumilos ang US Army Natick Soldier Research, Development and Engineering Center. Agad silang nagdebelop ng pizza para sa mga sundalong nasa field o nasa combat. Ang pizza na kanilang dinebelop ay maaaring tumagal ng tatlong taon.

Sabi ni Jill Bates, head ng mga researcher na nagdebelop ng pizza, wala itong pinagkaiba sa typical pan pizza na nabibili o ginawa sa bahay. Masarap at malinamnam daw ito. Ang tanging kulang lang daw sa pizzang irarasyon ay hindi ito kasing hot ng nabi­biling pizza. Room temperature daw.

Ayon pa kay Bates, tiyak na masisiyahan ang mga sundalo sa kanilang dinebelop na pizza at maaari na raw itong matikman sa malapit na panahon. (www.unexplainedmysteries.com)

ARMY NATICK SOLDIER RESEARCH

AYON

DEVELOPMENT AND ENGINEERING CENTER

JILL BATES

KANO

KAYA

MASARAP

NASASABIK

PIZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with