^

Punto Mo

Mga Kakaibang ‘Acts of Kindness’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Si Jonas Salk ang imbentor ng polio vaccine. Tumanggi siyang ipa-patente ang polio vaccine para manatili ito sa murang halaga. Ang ‘patent’ o patente ay pagpaparehistro ng produktong naimbento upang mapangalagaan ng imbentor ang intellectual property right ng kanyang imbensiyon. Sa Pilipinas, ang pro­teksiyon ng patent ay tumatagal ng 20 taon. Kailangang magbayad ng maintenance fees ng patent holder upang hindi magwakas ang proteksiyon ng patent bago pa man matapos ang termino nito. Ang nagastos sa pagpapatente ay ikakarga sa presyo ng produkto. Kawawa naman ang mahihirap, ayon kay Jonas. At iyon ang dahilan kaya tumanggi siyang ipapatente ang polio vaccine.

2. Si Tom Crist ng Alberta Canada ay nanalo ng $40 million sa lottomax. Bumili ba siya ng yate? Nag-around the world ba siya? Hindi. Ibinigay niya ang lahat ng napanalunan sa cancer charities. Cancer kasi ang ikinamatay ng kanyang misis, dalawang taon ang nakaraan.

3. Noong 2008 sa Connecticut, may dalawang lalaki na naka-sunglasses at naka-golf t-shirt ang namigay ng $100 sa bawat nakapila sa isang gas station para magpakarga ng gasoline. Ang pera ay may kasamang card na may mensaheng: Re-fueling for our community. Walang nakakilala sa kanila.

4. Noong May 2013, nabanggit ni Delaney Brown, pitong taong gulang, maysakit na leukemia, sa kanyang ina na wish niyang makarinig ng totoong Christmas carollers sa harapan ng kanilang bahay. Nag-set up ng Team Laney ang kanyang ina sa Facebook at nanawagan sa publiko na tulungan siyang ma­isakatuparan ang wish ng kanyang anak. Noong December 22, 2013, ay natupad ang kahilingan ni Laney. Dumating ang 7,000 to 10,000 tao sa harapan ng bahay ng mga Brown sa West Reading Pennsylvania. Inawit ng mga tao ang Jingle Bells, Rudolf at Joy to the World. Araw ng Pasko pumanaw ang bata.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ALBERTA CANADA

DELANEY BROWN

JINGLE BELLS

NOONG DECEMBER

NOONG MAY

SA PILIPINAS

SI JONAS SALK

SI TOM CRIST

TEAM LANEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with