^

Punto Mo

Wisdom (daw)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Huwag pagkatiwalaan ang taong hindi ipinipikit ang kanyang mata habang nakikipaghalikan sa iyo. Ang matang nakamulat ay palatandaan na hindi siya seryoso sa iyo.

Huwag gumamit ng polka dots na underwear kung manipis na telang puti ang iyong shorts o pantalon.

Ang bilang ng iyong anak ay hindi dapat lumampas sa bilang ng bintana ng iyong sasakyan. Ang madalas pag-awayan ng mga bata ay kung sino ang pupuwesto malapit sa bintana.

Alamin ang pagkakaiba ng tagumpay at kasikatan. Ang tagumpay ay si Mother Theresa. Ang kasikatan ay si Lady Gaga.

Huwag pumunta sa class reunion kapag buntis ka. Baka isipin ng mga kaklase mo na iyon na lang ang inatupag mo simula ng mag-graduate kayo.

Okey lang na non-sense ang iyong kausap. Minsan, nakakagising ng natutulog na brain cells ang kanyang mga sinasabi.

Ang mga anghel ay nakakalipad dahil dinadala nila nang magaan ang kanilang sarili; bumabagsak ang mga demonyo dahil mabigat ang kanilang dinadala.

He who laughs last is “bobo”. Hindi kasi agad nakuha ang joke kaya siya ang huling napatawa.

vuukle comment

ALAMIN

HUWAG

IUML

IYONG

LADY GAGA

MINSAN

MOTHER THERESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with