EDITORYAL- Ano nang nangyari sa mga pulis torture?
BIGLANG nawala ang isyu sa mga pulis na umano’y nangto-torture sa mga nahuhuling suspect. Nasaan na ang mga pulis na ito? Ano ang ginagawang hakbang ng Commission on Human Rights (CHR) ukol dito. Hindi kaya balik na naman sa masamang gawain ang mga pulis para mapaamin ang mga suspect?
Isang buwan na ang nakararaan, ibinulgar ng CHR na merong “Wheel of Torture’’ sa isang police intelligence branch sa Biñan, Laguna. Ang “Wheel of Torture†ay ginagamit para paaminin ang suspek. Ayon sa CHR, 41 detainees sa nasabing police facility ang nakaranas ng torture.
Kakaiba ang pamamaraang ginagawa ng mga pulis para mapaamin ang suspect. Paiikutin ang “Wheel of Torture†at kapag tumapat sa “20 seconds Manny Pacmanâ€, ibig sabihin ay 20 segundo nang walang tigil na suntok ang ibibigay sa suspek. Kapag tumapat sa “30 seconds Paniki†ibig sabihin ay 30 segundo na nakabitin nang patiwarik ang suspek at pagkatapos ay “papaluin ng bat†sa loob ng 30 segundo.
Matindi ang pag-torture na ito. Wala itong ipinagkaiba sa ginawa ng dating police officer ng Asuncion Police Community Precinct sa Tondo, ilang taon na ang nakararaan. Nakunan ng video ang police officer habang hinihila ang tali na nakakabit sa ari ng robbery suspect. Umaaringking sa sakit ang suspect habang hinihila ng officer ang tali. Kinasuhan ang officer at nasibak sa puwesto.
Ayon naman sa CHR, 10 pulis ang ni-relieved sa puwesto dahil sa “Wheel of Tortureâ€. Ang mga pulis ay nakilalang sina Chief Inspector Arnold Formento, SPO2 Bernardino Artisen, SPO1 Alexander Asis, PO3 Freddie Ramos, PO2 Marc Julius Caezar, PO2 Aldwin Tibuc, PO2 Melmar Baybado Viray, PO2 Mateo Cailo, PO2 Renan Galang at PO1 Nelson Caribo.
Subalit mula nang mabulgar ang ginagawa ng 10 pulis, wala nang balita pa sa kanila. Totoo nga kayang sinibak sila sa puwesto o inilipat lang ng puwesto. Sana, magbigay ng update ang CHR ukol sa mga pulis. Ano naman ang masasabi ng PNP ukol sa mga pulis torture?
- Latest