^

Punto Mo

Mahirap umibig

Pang-masa

Ngayon ko natantong mahirap umibig

Sa isang nilikhang kapilas ng dibdib

Kung siya’y lumayo ay lubhang masakit;

Tulad nang nangyari sa aking pag-ibig!

 

Walang pinag-iba sa buhay ko ngayon

Laging hinahanap masayang panahon;

Sa mga nasapit na bayan at nayon

Sa ilog at batis na doo’y naglunoy!

 

Sa mabangong simoy at dampi ng hangin

Masayang gunita ang laging kapiling;

Sa maraming pook na aming narating

Hinahanap-hanap ang suyo at lambing

 

Kaya ang gunita ay nagpapatuloy

Hanggang sa masapit ang dako pa roon.

At pawang gunita siyang dumadaloy

Kaya pag-ibig lang ang muling sisibol!

vuukle comment

GUNITA

HANGGANG

HINAHANAP

KAYA

LAGING

MASAYANG

NGAYON

TULAD

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with