^

Punto Mo

Nininerbiyos na ang gambling lords sa Pasay

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

UMATRAS na si PO2 William Cajayon bilang bagman ni Pasay City police chief Sr. Supt. Florencio Ortilla. Mukhang di nakayanang abutin ni Cajayon ang lingguhang obligasyon niya kay Ortilla, di ba mga kosa? At sa tingin ng mga kosa ko hindi kaya ni Cajayon na mag-abono dahil baka wala na siyang maiuwi na panggastos para sa kanyang pamilya. Ang pumalit kay Cajayon ay si PO2 Jerry Gomez, na nakasama ni Ortilla noong hepe pa siya ng Bacoor, Cavite. Aabangan natin kung anong bertud meron si Gomez para tapatan ang weekly na pangangailangan ni Ortilla. Hehehe! Nininerbiyos na ang gambling lords at iba pang ilegalista sa Pasay sa development na ito, di ba mga kosa? Tiyak yun!

Kaya hindi na dapat magtaka si Mayor Tony Calixto kung bakit hindi masawata ni Ortilla ang dumadaming kaso ng “riding-in-tandem” sa siyudad niya dahil sa iba ang pinagkaabalahan ng mga pulis niya. Imbes na magpatrulya sa lansangan, ang pagkakitaan ang inuuna nila. Pero paano kikilos si Ortilla laban sa kriminalidad kung maging si Calixto ay hindi interesado na malutas ang mga krimen na ito? Hindi naman lingid sa mga taga-Pasay na ang mga patayan sa kanilang lugar ay nag-uugat sa ilegal na droga. Karamihan sa nadebdol ay yung hindi nagbayad sa droga o mga miyembro ng karibal na sindikato. At abot ni Calixto kung sino ang nasa likod nito subalit nanahimik lang siya sa isang magandang dahilan. Milyones tiyak, di ba mga kosa?

Ang isa sa mga biktima ng patayan ay ang asawa ni Onad Santiago, ang bumibili ng mga nakaw na gamit, na kasalukuyang nakakulong sa ngayon. Ang balitang kumakalat sa Pasay ay nagsabi ang “utak” sa pagpatay sa asawa ni Onad na “Wag ka nang umiyak at gumanti ka na lang.” Kaya sa paglabas ni Onad, tiyak umaatikabong na patayan na naman sa Pasay, di ba mga kosa? At walang atrasan na dito. Mismo!

Kung sabagay, hindi lang sa Pasay uso ang atrasan at maging sa NCRPO ay nangyayari rin ito. Ayon sa mga kosa ko, ang unang umatras sa NCRPO ay ang tropa ni Baby Marcelo na nagre-remit ng P260,000 tong collection weekly kay Sr. Supt. Benjamin Acorda, ang hepe ng NCRPO intelligence. Kaya umatras si Marcelo mga kosa ay dahil ang mga kapustahan niya ay pinaghuhuli ng mga tauhan ni Acorda. Ang sumunod na umatras ay si SPO1 Jose Bernardino Jr., alyas Jun Bernardino. Tulad ng kaso ni Marcelo, pinag-aaresto rin ni Acorda ang mga kinokolektahan ni Bernardino. Lumalabas na “tumatanggap si Acorda subalit pilit n’yang inilalayo ang katawan niya.” Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Pero sa tingin ng mga kausap ko, mukhang seryoso si NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria na ipatupad ang “no take” policy ni DILG Sec. Mar Roxas dahil sa naiibang pamamalakad ni Acorda. Sa ngayon, ang nagpupumilit na maging tong collector ng NCRPO ay ang Espeleta brothers na sina Niño, Leonilo, at Allan at video karera operator ng Muntinlupa na si Jake Duling. Kung hindi magbabago ng sistema si Acorda, tiyak walang pupuntahan ang Espeleta brothers at Jake Duling kundi umatras. Ang natitira na lang na hindi umaatras sa Metro Manila ay ang sakla-patay nina Lucy Santos at alyas Poleng sa Caloocan City. Abangan!

ACORDA

CAJAYON

JAKE DULING

KAYA

ORTILLA

PASAY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with