^

Punto Mo

Life Tips (2)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Kumain ng pipino kung may sore throat. Palalamigin nito ang lalamunan at nakakatanggal ng pangangati.

Kapag may paparating na bagyo, malaki ang tsansa na magkaroon ng brown out. Bago mangyari ang mga nabanggit, maglagay ng tubig sa maraming plastic bottle at ilagay sa freezer. Kapag nawalan ng kuryente, magiging matagal ang lamig ng inyong refrigerator dahil sa mga nagyelong tubig. Kapag natunaw na ang mga ito, mayroon kayong reserbadong cold water.

Kailangan ang 3 oras na pagtakbo upang mabawasan ng one pound ang iyong timbang. O, kaya, tumakbo ng 27 minutes araw-araw, para mabawasan ng one pound ang iyong timbang per week.

Ang scent ng peppermint ay nakakapagpalakas ng concentration.

Magiging smooth at mas magandang ipahid ang cutex sa kuko kung palalamigin muna ito ng 15 minute bago gamitin.

Nakakatanggal ng sakit ng ulo ang pagbabad ng paa sa hot water.

Kung gusto mong magpapayat, kumain lagi ng maanghang na pagkain. Ang epekto nito, mabubusog ka kaagad sa ka­kaunting pagkain.

Kapag dinadalahit nang ubo, itaas ang kamay sa ibabaw ng ulo para  tumigil ang ubo.

Mas mananatili nang matagal sa utak ang lessons na isinulat mo  kung kaagad mo itong rerebyuhin sa araw din iyon.

Sa tuwing naaasar ka sa iyong magulang, alalahanin mo ang perwisyong ginawa mo sa kanila noong bata ka pa—pinuyat, sinukahan, tinaihan, inihian, —pero hindi sila naasar sa iyo kahit kailan.

ARAW

IYONG

KAILANGAN

KAPAG

KUMAIN

KUNG

MAGIGING

NAKAKATANGGAL

PALALAMIGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with