Uok (59)
“I KINUWENTO sa akin ni Drew ang tungkol sa kuwintas,’’ sabi ni Basil.
“Daddy…’’ sabi ni Gab na parang nahihiya dahil sa pagkatuklas ng nangyari sa kuwintas.
“Hindi naman ako galit. Hindi mo naman kasalanan kung nawala iyon.’’
“Kasi Dad, nag-aalala ako na magalit ka kaya hindi ko sinabi. Isa pa, malakas ang kutob ko na makikita uli. At nangyari nga, ito palang si Drew ang magsasauli sa akin.’’
“Kaya dapat magpaÂsalamat ka kay Drew. Kundi sa kanya, baka hindi mo na nakita ang kuwintas.’’
“Yung uncle ni Drew ang nakakita ng kuwintas, Daddy.’’
“Oo nga raw. MagpaÂsalamat ka sa uncle niya.’’
Sumingit sa usapan si Drew.
“Nasabi ko na po kay Tiyo Iluminado. Mabuti raw at nahanap ko si Gab.’’
Naupo si Gab sa tabi ng daddy niya.
“Anong naramdaman mo Daddy ngayong araw na ito? Uminom ka na ba ng gamot sa high blood at cholesterol?â€
“Oo kanina pa. Normal ang BP ko.’’
“Namanhid ang kamay mo?â€
“Hindi. Itanong mo kay Drew at kanina pa rito yan. Kumain na nga kami ng cake. Ang sarap ng cake. Kumain ka.’’
“Maya-maya Dad.’’
“E sige at dun muna ako sa room ko. Baka may pag-uusapan kayo ni Drew ay maka-istorbo pa ako.’’
“Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?†sabi ni Gab.
“Bah, malay ko.’’
“May pag-uusapan ba tayo, Drew?â€
“Wala namang mahalaga. Napunta lang ako rito para mangumusta.’’
“O wala naman kaming pag-uusapan, Daddy.’’
“E di wala. Pero alam mo masarap kausap si Drew. Marami palang alam ito.’’
“E mag-aabogado kasi yan. Ang abogado ay dapat matalas ang utak.’’
“Sana mag-abogada ka, Gab.’’
“Ayoko Dad. Okey na sa akin ang course ko.’’
“Okey. Kung ano ang gusto mo, gusto ko na rin.â€
Maya-maya nagpaalam na si Drew.
“Aalis na po ako, Sir Basil, Gab.’’
“Maaga pa naman ah.’’
“Mag-aaral pa po ako, Sir Basil. May exam po.’’
“Sige pero balik ka uli. Marami pa tayong pagkukuwentuhan.’’
“Opo. Babalik ako.’’
(Itutuloy)
- Latest




















