^

Punto Mo

Malacañang, magpa-survey sa isyu ng Hong Kong

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MARAMING kinakabahan na baka maapektuhan ang overseas Filipino workers at Pinoy na residente sa Hong Kong kaugnay ng umaasim na relasyon nito sa Pilipinas.

Umiiral na ang pag-aalis ng visa free access sa mga government officials at lahat ng diplomatic passport holder. Ang pinag-ugatan ay ang pagtanggi ni President Aquino na mag-apology kaugnay ng 2010 hostage crisis sa Luneta na ikinamatay ng walong Hong Kong tourists.

Dapat maging kalmado lang ang lahat. Naniniwala ako na kalkulado naman siguro ni P-Noy kung saan hahantong ito kaugnay ng pagmamatigas ng gobyerno na huwag humingi ng paumanhin.

Sabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na pinaghahandaan na ng gobyerno ang magiging implikasyon sa alitan sa Hong Kong government.

Asahan na ang desisyong ito ng Presidente saanman maka­rating ay aakuin nila ang responsibilidad. Kung mayroong ma­apektuhang OFWs ay sosolusyunan ng gobyerno ang anumang magiging problema ng mga ito. Bagamat marami ang duda na baka hindi mabigyan ng ayuda ang mga maapektuhang OFWs at mauwi sa pangako ang lahat.

Mayroon akong suhestiyon dahil sinasabi nga ng Presidente na boss niya ang taumbayan, makabubuting ibigay niya sa publiko ang pagpapasya kung dapat pa bang humingi siya ng sorry sa Hong Kong.

Maaaring maglunsad ng survey ang Malacañang para malaman kung tutol o payag ang sambayanan na mag-sorry ang Presidente sa Hong Kong. Kung anuman ang resulta ng survey, ito ang gawing basehan ng Presidente sa kanyang desisyon. Anuman ito, walang mangyayaring sisihan sa bandang huli.

Kung gagawin ito ng Malacañang ay pagpapatunay lang na talagang ang mamamayan ang boss ng Presidente. Dapat niyang sundin ang naisin ng mayoryang Pilipino lalo na kung mayroong sector na maapektuhan tulad ng mga OFWs sa Hong Kong.

Sa ganitong paraan, matatahimik na rin ang mga kritiko ng Presidente dahil ang mayoryang mamamayan ang magde­desisyon sa pamamagitan ng survey.

 

vuukle comment

ANUMAN

ASAHAN

DAPAT

HONG KONG

KUNG

MALACA

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with