Paggabay ng magulang (1)
PAG-USAPAN natin kung paano gagabayan at palalakihin ang anak na hindi nangangailangan ng pagpaparusa.
May pag-uugali ang mga bata na biglang nagagalit, o iritable pero hindi ito nangangahulugang nakikita nila sa paligid. Hindi nila namamalayang dito lumalabas na kulang ang kanilang natatanggap na atensiyon at pagmamahal. Kaya nga minsan nagiging KSP sila. Dahil sinusubok nilang kunin ang inyong atensiyon at ibaling ito sa kanila.
Natutunan ko bilang magulang, kung ano ang nais mong mapulot ng anak mo sa iyo, iyon ang gawin mo. Kapag naninigaw ka at namamalo, ang natututunan ng anak mo ay ang maging agresibo.
Gayundin mahalagang isaad na magkaiba ang limitasyon at pagdidisiplina o pagpaparusa. Halimbawa, bawal tumakbo sa kalsada, bawal magpahid ng pagkain sa damit, bawal manguÂlangot. Hindi punishment ang mga ito. Minsan kasi, iniisip natin na kailangang “turuan ng leksyon†ang anak upang matuto talaga siya. Kapag pinarusahan ang bata, napansin kong parang lalo lamang silang nagiging agresibo at defensive. Hindi natin sila naiimpluwensiyahan ng tama dahil malayo ang kanilang loob sa atin.
Gabayan sila ayon sa mga sumusunod:
1. Kailangan ng mga magulang na matutunang hawakan ang emosyon. Paano matututo ang anak na kumalma kung ikaw ay laging nagpapanic. Huwag kang magpapasya ng galit dahil baka pagsisihan ito. Inhale, exhale.
2. Kilalanin ang kanilang nararamdaman. Minsan ang tendency ng mga magulang ay kuwestiyunin ang kanilang nararamdaman. Bakit nagagalit? Bakit naiinis? Siyempre bata lang sila. Pero kung magpo-focus sa mismong nadarama nila matutulungan natin ang mga anak na ma-express ang kanilang emotions nang kalmado. Turuang ihinga ng anak sa iyo ang bumabagabag sa kanya.
3. Tandaan kung papaano natututo ang mga bata. Sa pamamagitan ng pagpapakita at paulit-ulit na paggawa. Kahit man lang sa simpleng mga bagay tulad ng pagsesepilyo o pagsasabi ng “please†at “thank youâ€. Unti-unti ay itinatanim mo ang mga bagay na ito sa iyong anak, hanggang kaya na niya kahit walang paalala mo.
- Latest