^

Punto Mo

Alcala at Calayag, protektado sa Senado

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

TILA napuntirya lamang sa idinaos ng pagdinig ng Senate committee on agriculture ang usapin kay Davidson Bangayan at ang David Tan na kilalang rice smuggler umano ay iisa lamang na tao.

Ngayon luminaw na iisa nga sina Davidson Bangayan at David Tan ay bakit tila iniwasan din ng mga senador na idiin si Agriculture secretary Proseso Alcala samantalang may mga dokumentong lumitaw na ang kalihim bilang chairman ng  NFA ay siyang nagbigay ng import permit sa kompanya ni Bangayan.

Dahil dito, matapos ang nasabing pagdinig kamakalawa ay ang naging  persepsiyon ng publiko  sa Senado ay parang “kampihan na” tulad sa slogan ng PBA dahil ba ang  mayorya sa Senado ay nasa administrasyon at kakampi nila si Alcala?

Bakit wala man lang ni isang senador ang naglakas ng loob na tanungin at gisahin ng husto si Alcala at ang NFA administrator nito na may kinalaman sa isyu ng rice smuggling.

Sana sa susunod na pagdinig ay pagpaliwanagin si Alcala bilang chairman ng NFA at ang administrador na si Orlan Calayag kung bakit nakakalusot ang pagbibigay ng import permit  na ginagamit para sa rice smuggling.

Totoo ang sinabi ng NFA  na walang Davidson Bangayan o David Tan sa listahan na nabigyan ng import permit pero malinaw na ang kompanyang Starcraft ay nakalista ang sinasabing umano’y pag-aari ng binansagang umano’y rice smuggling king.

Malaki ang pagtitiwala natin at ng publiko sa Senado na kahit sino pa ang tatamaan kakampi man sa panig ng administrasyon ay kanilang uusigin ito kung kaya ating aantabayanan ang nasabing takbo ng Senate inquiry.

Hindi ko pinagbibintangan si Alcala na may kinalaman sa rice smuggling subalit kailangang ipaliwanag nito sa publiko kung bakit ang kompanya ni David Tan o Davidson Bangayan ay nabigyan ng import permit ng NFA.

Napakalawak ng rice smuggling sa bansa at bukod kay David Tan ay dapat din tutukan ang iba pang sinasabing smugglers.

May mga nagsasabi sa akin na talagang mas ikinatutuwa raw ng DA na huwag makamit ang press release na rice sufficiency o sapat na bigas para sa mga Pilipino upang magpatuloy ang pag-import ng bigas at pagpupuslit nito.

Kung mananatiling kapos ang suplay ng bigas sa bansa ay walang magagawa ang gobyerno kundi ay maglabas ng import permit subalit ang masaklap nga lamang ay naabuso ito at pinagkakakitaan batay sa mga umano’y sabwatan ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.

Sana nga sa pagkakataong ito ay mayroon ng mangyaring positibong resulta sa imbestigasyon ng Senado sa rice smuggling at mapapanagot na ang mga smuggler at kasabwat nito at hindi na maulit ang mga naunang Senate inquiry na wala namang nangyari at nagpasikat lang ang mga mambabatas.

ALCALA

BAKIT

DAVID TAN

DAVIDSON BANGAYAN

ORLAN CALAYAG

PROSESO ALCALA

RICE

SANA

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with