^

Punto Mo

Silang mga nang-insulto sa Diyos

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA isang interview ng American Magazine kay John Lennon ay nagbitaw siya ng ganitong salita: “Sigurado akong magwawakas na ang Kristiyanismo. Makikita n’yo, basta na lang ito maglalaho. Okey naman si Hesus pero masyadong napakasimple ng Kanyang mga itinuturo. Tingnan n’yo mas sikat pa nga kami sa kanya.” Pagkaraan ng ilang panahon  ay nabaril si Lennon ng anim na beses. Siya pala ang maglalaho at hindi ang Kristiyanismo.

Si Tancredo Neves, Presidente ng Brazil ay nag-comment ng mga sumusunod habang nangangampanya: “Siguradong mananalo ako, kahit ang Diyos ay hindi makakayang paalisin ako sa presidency.” Nanalo siya pero isang araw bago siya manumpa, nagkasakit siya at namatay.

Minsan ay pinuntahan ni Billy Graham si Marilyn Monroe sa isa nitong show. Si Billy Graham ay isang religious minister. Sinabi nito kay Marilyn na ipinadala siya ni Hesus upang turuan ng Banal na Salita ng Diyos. Pero ito ang sagot ni Marilyn: “Hindi ko kailangan ang Hesus mo!” Pagkaraan ng isang Linggo, natagpuan si Marilyn na isa nang bangkay sa loob ng kanyang tahanan.

“Kahit ang Diyos ay hindi ito makakayang wasakin.” Ito ang winika ng engineer na gumawa ng barkong Titanic nang tanungin siya kung gaano ito katibay. Siguro naman ay alam na ninyong lahat ang naging kapalaran ng Titanic.

Sa Campinas Brazil, may isang pangyayari na hindi makakalimutan ng mga taga-rito. Isang dalaga ang sinundo ng kanyang kabarkada. Nang ihatid ng ina ang kanyang anak sa kotseng sumundo dito ay nag-alala ito nang makitang mga lasing ang kabarkada ng anak. Kaya ang tanging nasambit niya ay:

“Samahan sana kayo ng Panginoong Diyos sa inyong pupuntahan”, ang tanging nasambit ng ina sa anak at mga kabarkada nito.

 Mama, okey lang  sumama ang iyong Diyos kung papayag siyang doon maupo sa trunk ng kotse. Sikip na kami dito sa loob, wala nang lugar para sa kanya,” ang papilosopong sagot ng anak sa ina.

Ilang oras ang lumipas, dumating ang balita sa ina na naaksidente ang kotseng sinasakyan ng anak. Wasak na wasak ang kotse kaya patay ang lahat ng sakay. Sa buong pagtataka ng mga pulis, hindi man lang nagasgasan ang huling bahagi ng kotse, ang trunk. Natuklasan nilang may karga pala itong isang crate ng itlog. Lalo natigalgal ang mga pulis nang makitang walang nabasag kahit isang piraso sa mga ito.

 

AMERICAN MAGAZINE

BILLY GRAHAM

DIYOS

HESUS

ISANG

JOHN LENNON

KRISTIYANISMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with