Uok (46)
“KAYA lang medyo tigasin ano? Ayaw pang magpahatid. Hindi kaya aktibista yun? Ano ngang name niya?’’
“Gab.â€
“Anong real name?’’
“Gabriela.’’
“O tingnan mo ang name at talagang palaban. Palagay ko mahilig sumama sa mga rally.’’
Hindi nagsalita si Drew. Mahusay tumingin ng karakter ng tao ang daddy niya. Mahusay mag-analisa. Kung naging abogado siguro ito ay mahusay na lawyer.
“Anong course ni Gab?’’
“Socio po.’’
“Sociology? Naku yang mga may ganyang course ang laging malapit sa mga mahihirap.â€
“Anong mahihirap Dad?’’
“Mga poor sa lipunan. Gusto nila ay kahalubilo ang mga isang kahig isang tuka, mga kakarampot ang sinasahod, niloloko ng mga kapitalista, mga tenant sa asyenda at kung sinu-sino pang mahihirap at dahop sa lipunan.’’
Napatangu-tango na lang si Drew. Maraming alam ang daddy niya. Mahilig kasing magbasa.
“Naalala ko, bakit nabanggit mo ang uok kanina. Nagtaka tuloy si Gab.â€
“Kasi Daddy yung Daddy niya ang tinatawag na “uokâ€. Siya po yung maraming pinaibig na babae at nasira ang pagsasama. Maninira po ng tahanan ayon kay Tiyo. Yun pong kapatid ni Tiyo na si Renato ay nagpakamatay dahil inagaw ni Uok ang asawa.’’
“Ah, oo, natatandaaan ko na.’’
Maya-maya ay may naaalala ang Daddy ni Drew.
“Teka, ano nga palang story at napunta sa’yo ang kuwintas ni Gab?â€
“Nakita nga po ni Tiyo Iluminado sa ilalim ng batalan ng bahay nina Gab. Nakapatong ang kuwintas sa tuwalya, Nang kunin ang tuwalya, may aluphihan. Nagulat siya at nahulog ang kuwintas.’’
“Ah ganun pala. Mabuti at ibinigay sa’yo ni Iluminado.’’
“Opo. Aanhin naman daw niya iyon.’’
Nag-isip ang daddy niya. Malalim.
“Teka, teka, bakit mo naman nasiguro na kay Gab ang kuwintas. At paano mo siya nahanap dito sa Metro Manila? Kasi parang sa tono mo e matagal mo nang nakikita si Gab.â€
Matalino talaga ang daddy niya. Mahusay mag-isip. Parang abogado.
“Kasi Dad, nakita ko siyang naliligo sa batalan. Maraming beses. Kaya sigurado ako, sa kanya ang kuwintas.’’
“Aha, ibig sabihin, sinisilipan mo siya. Siguro ay pinagsawaan mo siyang panoorin habang naliligo ano? Ilang beses mo siyang sinilipan?’’
Namutla si Drew. Parang nakasalang siya sa sala ng hukom at tinatanong ng abogado. Mahirap magsinungaling.
(Itutuloy)
- Latest



















