Uok (41)
“PAANONG nawala, Drew?†tanong ni Gab na halatang proble-mado.
“Hindi ko alam kung bakit nawala sa loob ng ca-binet ng damit ko. Hinanap ko na pero wala talaga. Pati sa baba, hinanap ko pero wala.’’
“Nanakaw kaya?â€
“Yung mga damit ko ay nakakalat sa bed ko. Pero wala namang nawala. Nan-dun pa ang aking laptop at pera sa kuwarto. Kung may nagnakaw, sana unang kinu-ha yun.’’
“Mayroon ba kayong katulong?â€
“Wala. Ang nagpupunta lamang dito ay ang tagalaba namin. Pero hindi naman pumapasok sa kuwarto.’’
Natahimik si Gab. Idinako ang tingin sa mga nakasabit na picture sa dingding.
“Puwede hintay-hintayin mo at baka dumating na ang brother ko. Baka alam niya kung nasaan ang kuwintas. Kasi kung minsan nagtutu-ngo sa room ko yun. Nanghihiram ng damit.’’
“Anong oras siya dara-ting?â€
“Tatawagan ko na lang siya.’’
Napatango si Gab.
Pero habang dina-dial ni Drew ang number ng kapatid ay may narinig silang ugong ng kotse sa garahe.
“May dumating!â€
“Sino?â€
“Daddy ko siguro. Siya lang naman ang may kotÂse.’’
Maya-maya, narinig nila ang mga yabag sa labas. Hanggang sumungaw sa pinto ang daddy ni Drew.
“Siya ang Daddy ko.’’
Tumayo si Drew at nagmano sa daddy niya.
“Daddy si Gab. Kaibigan ko.’’
“Hi Gab.’’
“Good afternoon po, Sir.’’
Binalingan ni Drew and daddy niya.
“Dad, wala ka bang nakitang kuwintas? Nawawala ang kuwintas sa kuwarto ko.’’
“Sa iyo ba yun?â€
(Itutuloy)
- Latest