Uok (36)
LUMABAS na sa bookstore ang babae. Nagmamadali sa paglalakad. Parang takot na hindi malaman kay Drew. Ano naman ka-yang dapat ikatakot gayung nakikipagkilala naman. Kung nagmamaang-maangan at hindi siya nakilala, e bakit kailangang magmadali sa paglalakad na parang may iniiwasan.
“Miss, hintay, may sasaÂbihin lang ako.’’
Pero parang walang narinig ang babae. Tuluy-tuloy ito makaraang makalabas ng gusali.
Hindi nasiraan ng loob si Drew. Kailangang makausap niya ang babae. Sayang naman ang mga oras niya kung makakawala pa. Isasakripisyo na niya ang isang subject niya sa Political Science makilala lamang ang babaing ito.
Nasa Morayta St. na ang babae. Humalo sa mga estudyanteng tumatawid sa Recto. Kumanan at tinumbok ang patungong Legarda. Tumawid uli ang babae sa kalsadang malapit sa San Sebastian.
Bakit ang ilap ng babaing ito? Parang huhulihin ng pulis o sundalo.
Binilisan pa ng babae ang paglalakad. Tumawid muli sa isa pang kalsada at pumasok sa isang eskinita.
Pero hindi na siya hiniwalayan ni Drew. Nakabuntot pa rin.
“Miss sandali lang. Mag-usap lang tayo. Mayroon akong sasabihin. Mahalaga. Tungkol sa kuwintas. Nasa akin ang kuwintas mo!â€
Nang marinig ng babae ang tungkol sa kuwintas ay tumigil sa paglalakad. Pero hindi ito lumilingon.
Lumapit si Drew.
“Please lang. May sasaÂbihin ako. Mag-usap tayo.’’
Lumingon ang babae. Nagkaroon ng pag-asa si Drew.
“Tungkol sa kuwintas. Nasa akin ang kuwintas mo.’’
“Paano mo nakuha?†tanong ng babae. Wala na sa mukha nito ang katarayan. Malambot na. At sa sagot na iyon parang inamin na sa kanya nga ang kuwintas. Siya nga ang anak ni Uok.
“Napulot ng tiyuhin ko.’’
“Nagsasabi ka ba ng totoo?â€
“Oo naman. Ako nga pala uli si Drew. Ikaw anong name mo?â€
“Gabriela. Gab ang tawag sa akin.’’
Nakahinga nang maluwag si Drew. Hindi nasayang ang pagod niya. Nakilala rin niya ang anak ni Uok. Si Gab. (Itutuloy)
- Latest