^

Punto Mo

Pamamalo

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

SA parenting book nina Mr. Vic Garcia mayroon silang ibinigay na six guiding principles ukol sa pamamalo.

1. Gumamit ng tanging gamit para pampalo sa bata. Ang pamamalo ay pinaka-epektibo sa mga batang edad 12 pababa. Mga nakagawa ng kasalanan lumabag ang dapat lamang patawan ng palo. Ikaw na ang magpapasya kung ano ang deserving ng palo.

2. Sa puwit lamang paluin ang bata. Sa bahaging ito pinakaligtas na makakaramdam siya ng sakit pero walang injury na maidudulot dahil makapal ang muscles at malayo sa buto. Tandaang ang pamamalo ay para disiplinahin ang bata at hindi para saktan sila, pilayan, balian etc. Hindi maaaring sa ibang bahagi ng katawan mamalo dahil baka sila mapilayan at magkaroon ng ibang internal injuries o damages.

3. Gawin ang pagpalo sa puwit sa “spanking position,” kung saan ang bata ay nakadapa sa kama o sofa at hawakang mabuti para hindi gumalaw at baka magmintis ang palo. Siguarduhing sa puwit tatama ang pamalo.

4. Siguruhing masakit ang palo. Ang punto mo ay para maramdaman ng anak ang sakit para hindi na niya ulitin ang kaniyang ginawa; para alam niyang sa uulitin ay mapapalo ulit siya. At kung ayaw na niyang mapalo ay hindi na niya gagawin ang ginawa niya.

5. Huwag mamamalo ng galit dahil baka sumobrang lakas naman ang palo. Tandaan na love, at hindi anger ang motivation sa likod ng iyong pagdidisiplina. Ang layunin mo ay para maturuan ng leksiyon ang bata at hindi upang magdusa siya sa sakit.

6. Ipaliwanag sa anak kung bakit mo ginawa ang pamamalo. Dapat ay alam na ng bata ang mga parusang nakapataw sa bawat kasalanan at ang pamamalo ang pinaka-mabigat na maaaring ipataw. Ipaalala sa anak na kaya mo ito ginawa ay dahil mahal mo siya at gustong matuto.

 

BATA

DAPAT

GAWIN

GUMAMIT

HUWAG

IKAW

IPAALALA

MR. VIC GARCIA

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with