^

Punto Mo

EDITORYAL - Imbestigahan ang ‘bahay na gapok’

Pang-masa

MAHINANG klase ang mga ginawang bunkhouses para sa mga biktima ng Yolanda sa Leyte at Eastern Samar. Hindi raw sumunod sa international standard ang contractor --- makipot, manipis ang bubong na yero at ang dingding na plywood ay 1/4 pulgada lamang at nakasayad sa lupa. Masasabing “bahay na gapok’’ na sa hihip ng hangin ay siguradong mawawasak dahil mahina ang materyales. Kapag nawasak ang bunkhouses, parang nagtapon ng pera ang gobyerno. Parang ipinaanod lang ang pera. At tiyak na makikita muli nang buong mundo ang ginawa ng gobyerno sa mga biktima ng Yolanda. Kakahiya sa mga foreign donor na agarang nagbigay ng tulong  na pera at pagkain. Hanggang ngayon marami pa ang nagpapadala ng tulong sa mga biktima ni Yolanda.

Sabi naman ni DPWH secretary Rogelio Singson na hindi overpriced ang bankhouses pero posible raw na hindi sumunod ang private contractor sa government specifications sa pagtatayo ng bunkhouses. Sabi ni Architect Jun Palafox, expert sa pagtatayo ng bunkhouses, masyado raw maliit ang ginawang shelter at mahinang klase ang mga materyales. Dapat daw 20 square meters ang laki ng bankhouses at may dalawa o tatlong kuwarto. Napakahirap daw tirhan ang mga ginawang bunkhouses lalo na kung mara-ming anak ang pamilya. Kung naipapagawa raw ng monumento ang isang namatay na bayani, mas lalo namang dapat igawa ng disenteng tirahan ang mga biktima ng kalamidad.

Sumingaw naman ang isyu na may sabwatan daw ang contractor at isang pulitiko para raw maka­pagbulsa ng kickback. Mabigat na akusasyon ito at nararapat imbestigahan. Nakakahiya sapagkat buong mundo ay dumadamay. Habang maraming tumutulong para makabangon ang mga biktima ay mayroon namang lumulutang na katiwalian. Kawawa ang mga biktima ng bagyo na hanggang ngayon ay nagdurusa at naghihimutok dahil nawalan na sila ng mahal sa buhay ay wala pa ring pagkukunan ng ikabubuhay. Sobra na ang kanilang dinanas at hindi na dapat dagdagan.

 

ARCHITECT JUN PALAFOX

BIKTIMA

DAPAT

EASTERN SAMAR

HABANG

ROGELIO SINGSON

SABI

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with