^

Punto Mo

Babae, nangungulekta ng mga makamandag na spider

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG mga babae ay takot sa gagamba. Makakita lang ng sapot ng gagamba ay kinikilabutan na sila. Pero si Jay Reich, 26, ng Bracknell, England ay kakaiba sapagkat hindi siya takot sa gagamba. Sa katunayan, nag-aalaga siya ng mga gagamba at yung mga makamandag (venomous) ang pinipili niya.

Sabi ni Jay, nangungu­lekta siya ng venomous spiders at gusto niyang patunayan sa mga tao na harmless ang mga ito. Hindi raw dapat katakutan ang mga gagamba.

Mayroon nang mga koleksiyon ng gagamba si Jay. Mayroon na siyang tarantula, ang sinasabing mabagsik ang kamandag. Mayroon na rin siyang tatlong adult False Widow spiders at 10 anak nito.

Tuwang-tuwa siya kapag pinagmamasdan ang mga alagang spiders.

Nasabi minsan ni Jay na plano niyang magpakagat sa alagang False Widow para mapatunayan na harmless ito.

vuukle comment

BRACKNELL

FALSE WIDOW

GAGAMBA

JAY REICH

MAKAKITA

MAYROON

NASABI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with