^

Punto Mo

Ang taong namumuhay na parang aso

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PANIWALA ni Gary Matthews, isa siyang aso. Nagsimula ang kanyang pag-iisip na siya ay isang aso mula nang mapanood ang NBC hit show Here’s Boomer. Ang show ay tungkol sa isang aso na ang pangalan ay Boomer. Nagta-travel kung saan-saan si Boomer at tumutulong sa mga taong nasa mabigat na sitwasyon o problema. Maraming natutulungan si Boomer.

Masyadong humanga si Matthews kay Boomer at mula noon ay itinuring na niya ang sarili na isang aso. Naging obsession na niya na gayahin si Boomer. Buong buhay niya ay ilalaan sa pagiging aso.

Si Matthews, 48, ay retired technology worker. Inamin niya na siya ay isang “nerd”. Dahil inaakalang siya ay isang aso, nagsusuot siya ng collar, kumakain ng pagkain ng aso at paborito niyang kainin ay Pedigree. Paborito rin niya ang milk bones at dog cookies.

Tumatahol din siya at nanghahabol ng mga sasakyan. Gustong-gusto rin niyang maghukay ng buto sa kanilang likod bahay.

Mas gusto raw niyang tumira sa doghouse at komportable siya rito kumpara sa kama.

Kapag lumalabas ng bahay ay laging naka-costume ng aso si Matthews. Dito raw siya maligaya. Hindi kumpleto ang buhay niya kung hindi aaktong aso.

 

vuukle comment

ASO

BOOMER

BUONG

DAHIL

DITO

GARY MATTHEWS

GUSTONG

INAMIN

SI MATTHEWS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with