NCRPO chief, palitan
LUMILITAW na nagkaÂmali ang pamumuan ng PNP sa paghirang kay Chief Supt. Carmelo Valmoria dahil mahina itong dumiskarte sa pagÂlutas ng mga krimen sa Metro Manila.
Isa na rito ay ang panuÂkala ni Valmoria na ipagbaÂwal sa mga shopping mall ang pagsusuot mg sumbrero at sunglasses. Ito ay resulta ng nangyaring panloloob ng Martilyo gang sa SM North EDSA na maraming alahas ang natangay.
Ngayon ay nais na ring ipagbawal ni Valmoria ang pagsusuot ng sumbrero at shades sa mga pawnshop at mga cash transfer outlets para agad daw na makilala ang mga magtatangkang mangholdap sa establisimento..
Kulang yata sa pagsasaliksik si Valmoria sana ay kanyang inalam muna kung naka-insured ang mga alahas na natangay ng mga holdaper sa SM North EDSA.
Dapat ay alamin din ni Valmoria na mayroong mga eskaparate o fiber glass na kahit hampasin ng maso o martilyo ay hindi mababasag.
Mas bibilib ako kung obligahin ng PNP ang mga shopping mall owner na dagdagan nila ang pagbibigay ng seguridad sa kanilang mga customers.
Sa laki ng kinikita ng SM ay barya lang ang gastusin sa pagbili ng mga eskaparate na matibay at hindi kayang basagin ng Martilyo o maso at lalong-kayang kaya na magdagdag ng seguridad sa kanilang mall.
Kung hindi ito gagawin ng SM ay puwede namang huwag nang tangkilikin ito ng mamamayan at maaaring magtungo sa iba pang katabing shopping mall. Bukod dito ay dapat hulihin ng NCRPO ang mga holdaper para makasuhan at maipakulong upang magsilbing babala sa iba pang mga kriminal.
Mahinang diskarte ang estilong ito ni Valmoria at dapat ay ilipat ito ng puwesto dahil lumilitaw na hindi siya akma sa posisyon para pamunuan ang PNP sa Metro Manila. Kapag nanatiling NCRPO chief si Valmoria ngayong 2014 ay tiyak na lalala pa ang krimen sa Metro Manila..
Sana ay suriin nina DILG secretary Mar Roxas at PNP chief director Allan Purisima ang performance at diskarte ni Valmoria dahil baka hilahin nito pababa ang kabuuang PNP na ngayon ay unti unting bumubuti ang imahe ng mga pulis sa ilalim ng pamumuno ni Purisima.
Sana ngayong 2014 ay mas maging mapayapa ang buong bansa at wala ng dumating na trahedya at mabangis na kalamidad. Maligayang Bagong Taon sa lahat. Mabuhay ang mga Pilipino!
- Latest















