Sama-samang labanan ang ilegal na droga
Kamakailan lamang natukoy ng mga awtoridad ang isang farm sa Lipa, Batangas na sinasabing pinagkutaan ng sindikato sa droga.
Tatlo katao ang nadakip dito, kabilang ang isang Chinese at ang mag-asawang Pinoy. Nasamsam sa kanila ang may 84 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P420 milyon.
Isipin ninyo kung ilang buhay ang wawasakin ng ganitong karaming ilegal na droga.
Ang naturang grupo umano ay kabilang sa Mexican drug cartel na sinasabing nakapasok na sa bansa.
Ito ang lubhang nakakaalarma, dahil sa hindi lang ang Chinese at African drug group ang kailangang tugaygayan ngayon ng mga awtoridad kundi ang mas malawak na Mexican Sinaloa drug syndicate na posibleng namamaypag na rin sa bansa.
Base sa ulat, ang grupong ito ang itinuturing na isa sa pinakamalaking drug cartel sa buong mundo.
Ayon pa sa PDEA, bunsod ng ginawang paghihigpit ng US laban sa cocaine kung kaya humanap ang grupong ito ng panibagong lugar na kanilang mapagsasagawaan ng operasyon.
Pero ang mas lalong nakakatakot dito, ay ang sinasabing tumaas na kasi umano ang demand sa paggamit ng ilegal na droga sa bansa kaya pinapasok na ng mga dayuhang drug syndicate.
Ilang araw matapos masabat ang grupong ito, sa Quezon City naman, umaabot sa P10 milÂyong halaga ng shabu ang nasamsam din ng PDEA sa isinagawang operasyon. Isang Tsino rin ang nadakip, hindi nga lang matiyak kung saang grupo ito kabilang.
Mukhang sa Pinas na nga yata naglulungga ang mga sindikato ng droga.
Alarming ang resulta ng survey na ginawa ng Dangerous Drug Board kada apat na taon , kung saan lumabas na umabot na sa 1.7 milyong Pinoy sa bawat komunidad ang gumagamit ng ilegal na droga.
Bagamat pinaigting na ng PDEA at ng iba pang ahensya ang laban sa ilegal na droga, malaking bagay pa rin ang tulong ng komunidad.
Dapat ding maging mapagmasid sa paligid dahil sa sulok-sulok lang simpleng nag-ooperate ang mga grupong ito.
Dapat maiisa rin ang taumbayan sa paglaban sa droga, dahil ito ang ugat ng mga nagaganap na karumal-dumal na krimen sa ating lipunan.
- Latest















