^

Punto Mo

EDITORYAL - Punumpuno ng pag-asa

Pang-masa

KAHIT na hindi mag-survey ang Social Wea-ther Stations (SWS) sa saloobin ng mga Pinoy sa pagpasok ng 2014, lalabas pa rin na punumpuno ng pag-asa ang mga Pilipino. Kahit walang survey, naniniwala pa rin ang mga Pinoy na gaganda ang kanilang buhay ngayong 2014 at malalampasan ang anumang pagsubok na dinanas noong 2013. Matibay ang kanilang paniniwala na magkakaroon ng pagbabago sa kanilang buhay ngayong 2014.

Ayon sa SWS, 94 percent ng mga Pinoy ay naniniwalang gaganda ang kanilang buhay ngayong 2014 at mahihigitan pa ang mga nangyaring maganda sa kanila noong nakaraang taon. Ang 2013 ay sinasabing taon ng disaster . Maraming bagyo, lindol at mga pagbaha ang nangyari noong 2013. Pinaka-mabagsik ang pagdalaw ni Super Typhoon Yolanda sa Visayas region kung saan mahigit 6,000 katao ang namatay at marami pang hinahanap. Bil-yong piso ang kabuuang nasira. Umano’y aabutin nang maraming taon bago pa tuluyang maibalik ang mga nasirang bahay, gusali, gymnasium, simbahan, nawasak na kalsada  at marami pang iba. Giniba ng alon na singtaas ng niyog ang mga matitibay na istruktura sa Tacloban City at iba pang mga lugar na malapit sa dagat.  Subalit sa kabila ng sumapit na delubyo, nakangiti pa rin ang mga biktima. Babangon daw sila. Muli silang titindig at magsisimulang muli.

Punumpuno rin naman ng pag-asa ang mga taga-Bohol sa kabila na niyanig ng 7.2 magnitude ang kanilang lugar noong Oktubre 2013. Kahit na nawasak ang kanilang mga bahay, malaki pa rin ang kanilang paniniwala na maitatayong muli iyon ngayong 2014. Positibo sila na ang lahat nang mga nangyaring trahedya ay nagbigay sa kanila ng lakas para lalong tumibay at harapin ang mga pagsubok pa sa hinaharap.

Ganyan ang mga Pinoy, punumpuno ng pag-asa kahit sinalanta ng kalamidad.

Mapayapang Bagong Taon sa lahat!

AYON

BABANGON

KAHIT

KANILANG

MAPAYAPANG BAGONG TAON

PINOY

SOCIAL WEA

SUPER TYPHOON YOLANDA

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with