Uok (20)
IINGATAN na lamang ni Drew na huwag makita ng iba ang mga kuha niyang photo ng babae habang naliligo sa batalan. Hindi niya iiwan kung saan-saan ang Ipad. Usung-uso ngayon ang pagda-download ng mga photos at video. Yung iba, bina-blackmail ang nakunan ng photo o video. Kinukuwarta-han ang biktima. Ayaw niyang mangyari iyon. Hindi naman niya basta ma-delete ang mga photo ng babaing naliligo. Nasasabik pa siya. Maganda ring ma-rebyu. Hindi nakakasawa ang “batalan sceneâ€.
Naisip ni Drew, ano kaya at sa muli niyang pagbabakasyon sa semestral break ay naroon uli ang babae. Posible iyon. Mukhang gusto rin ng babae sa isang lugar na hindi naaabot ng signal ng cell phone at iba pang pangangailangan. Magkatulad din marahil sila ng babae na paminsan-minsan ay takasan ang mga kaguluhan, pollution, at ingay ng Metro Manila at manatili sa isang lugar na sariÂwa ang hangin na ang tanging maririnig kung papalubog ang araw ay ang mga kuliglig.
Kaya naipangako niya sa sarili na babalik muli sa semestral break. Mas masarap sa probinsiya. Napapayapa ang kalooban. Sana nga, makita uli niya ang babae. Sana makita uli niya ang paliligo sa batalan.
Kapag naglalakad sa Recto Avenue si Drew ay iniisip niya na sana ay makasalubong niya ang babae. Pero ano naman kaya ang sasabihin niya rito kapag nakita? Paano niya babatiin gayung hindi naman sila nagkabatian noong kapwa nasa probinsiya. Baka magmukhang tanga siya kapag binati niya.
Hindi na lang niya babatiin. Sapat nang makita niya ang babae. Maligaya na siya.
Naalala naman niya ang sinabi ni Tiyo Iluminado na huwag mapormahan ang babae. Anak daw ni Uok ang babae. Marami namang babae. Huwag lang ang anak ni Uok.
ISANG araw nagtungo sa isang building sa may Espana St. si Drew para sa kanyang report sa klase. Patungo na siya sa building nang matanaw ang naglalakad na babae. Kinabahan si Drew. Parang ang babaing naliligo sa batalan ang babae! Oo nga!
Nagmamadali sa paghakbang si Drew. (Itutuloy)
- Latest