^

Punto Mo

Suwerte raw Christmas tree sa Ukraine may dekorasyon na sapot ng gagamba

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KARANIWANG Christmas balls, ribbon, stars, candy stick, ang inilalagay na dekorasyon sa Christmas tree. Pero sa Ukraine, kakaiba ang kanilang inilalagay o dinidekorasyon sa kanilang Christmas tree --- mga sapot (web) ng gagamba!

Ilang linggo bago ang Christmas, nangungulekta na ng sapot ang mga tao para idekorasyon. Ang iba, kusang nilalagyan ng gagamba ang kanilang Christmas tree para natural na natural ang sapot na nakasabit doon. Mahirap ding mangulekta ng sapot ng gagamba at kailangan ay matiyaga sa pagkolekta nito.

Naniniwala ang mga taga-Ukraine na suwerte ang pag­lalagay ng spider web sa Christmas tree. Maraming bi­yaya at magandang kapalaran ang matatamo sa susunod na taon.

Ang tradisyon na paglalagay ng sapot sa Christmas tree ay nagsimula sa isang alamat. Isa raw mahirap na biyuda ang walang pambili ng dekorasyon para sa kanilang Christmas tree. Lungkot na lungkot daw ang mga anak ng biyuda sapagkat wala man lang palamuti ang Christmas tree. Awang-awa ang biyuda sa mga anak pero wala siyang magawa dahil wala silang pera.

Nang natutulog na ang mga bata, may mga gumapang na mga mababait na gagamba sa Christmas tree. Nakita pala nila ang kawawang kalagayan ng mag-iina na walang pera kaya hindi malagyan ng dekorasyon ang Christmas tree. Naawa ang mga gagamba sa mag-iina.

Ang ginawa ng mga gagamba ay nilagyan ng mga makikintab at puting-puti na sapot ang buong Christmas tree. Matapos lagyan nang maraming sapot ay lumabas na napakaganda ng Christmas tree. Halos maglinawag ito.

Nang magising ang mga bata, ganun na lamang ang kanilang pagkagulat. Masayang-masaya sila sa araw ng Pasko.

Mula noon, ang mahirap na mag-iina ay nagkasunud-sunod na ang suwerte. Nagkaroon sila nang maraming pera.

—www.oddee.com-

 

AWANG

CHRISTMAS

GAGAMBA

ILANG

ISA

NANG

SAPOT

TREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with