Mga kamangha-manghang bagay na nakuha sa ilalim ng dagat

61 tonelada ng silver na nagkakahalaga ng $36 million nakuha sa Atlantic Ocean – Lumubog ang SS Gairsoppa, isang cargo ship ng Britain noong 1941 nang targetin ng torpedo ng Nazis sa karagatang malapit sa Ireland. Mula noon wala nang balita sa cargo ship. Ipinalagay na hindi na ito makikita pa.

Hanggang sa mapaba­lita noong summer 2012 na natagpuan ang cargo ship. Ang nagsagawa ng paghaha­nap sa barko ay ang Odyssey Marine Exploration ng Tampa, Florida. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng exploration team nang makita ang laman ng cargo ship --- mga bara ng silver. Batay sa report nasa 240 tonelada ang silver na nasa SS Gairsoppa. Sa kasalukuyan, nasa 20 percent pa lamang ng silver ang nakukuha ng team. –www.oddee.com--

 

Unang analog computer natagpuan sa dagat — Pinaniniwalaang ang Antikythera mechanism ang unang computer sa mundo. Natagpuan ito sa kalaliman ng dagat noon pang 1900.

Ayon sa report, libong taon nang nasa ilalim ng dagat ang Antikythera. Pinaniniwalaang ang bagay na ito ang ginagamit para ma-predict ang lunar at solar eclipses na nakabatay sa Babylonian arithmetic progression cycles. Ganunpaman, isang mala-king palaisipan pa rin ang tunay na function ng Antikythera. —www.oddee.com—

Show comments