^

Punto Mo

EDITORYAL - Isuplong, magpapaputok ng baril sa Bagong Taon

The Philippine Star

TAUN-TAON laging may nabibiktima ng ligaw na bala. Kahit pa paulit-ulit ang banta ng Philippine National Police (PNP) sa mga magpapaputok ng baril, wala ring pagkatakot at lalo pang dumadami ang mga nagpapaputok. Wala nang pinangingilagan ang mga may “utak-bala” o “utak-pulbura”. Walang habas kung magpaputok ng baril at hindi na naiisip na mayroong mamamatay sa kanilang ginagawa.

Noong Disyembre 23, dakong 1:30 ng madaling araw, naitala ang unang kaso ng tinamaan ng ligaw na bala sa Ormoc City. Ayon sa Department of Health (DOH), isang 23-anyos na lalaki na nakaupo sa loob ng kanilang bahay ang tinamaan ng bala sa kaliwang binti. Isinugod sa ospital ang lalaki at inooperahan na dahil tumagos sa buto ang bala. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang naaaresto ang pulisya.

Kinabukasan, Disyembre 24, naitala ang ikalawang kaso ng tinamaan ng ligaw na bala sa Marikina City. Naglalakad sa Daang Bakal St. Bgy. Nangka si Roberto Mariano Jr. dakong 8:30 ng gabi nang tamaan siya sa kanang binti ng bala. Dinala siya sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Wala pa ring naaaresto ang pulisya sa nagpaputok ng baril.

Habang papalapit ang pagdiriwang ng bagong taon, nadadagdagan ang mga tinatamaan ng ligaw na bala. At tila ba wala nang natatakot sa PNP. Wala nang pinangingilagan at magpapaputok kung kailan nila gusto. Bahala na kung may tamaang inosenteng sibilyan.

Noong nakaraang December 31, 2012, isang 7-taong gulang na batang babae sa Caloocan City ang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo. Nanonood ng fireworks display si Stephanie Nicole Ella, Grade 1 pupil sa Tala Elementary School, Caloocan City nang tamaan ng bala. Ayon sa report, galing sa kal. 45 ang balang pumatay kay Nicole. Maaari umanong pulis o sundalo ang nakapatay kay Nicole. Isinugod sa East Avenue Medical Center sa ospital si Nicole subalit namatay ilang oras makaraan ang bagong taon. Ang masakit, hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang nakapatay kay Nicole.

Isang magandang hakbang na magagawa ng PNP ay mag-offer ng pabuya sa sinumang makapagsusumbong nang magpapaputok ng baril o nagpaputok ng baril. Sa ganitong paraan, madaling mahuhuli ang criminal. Hindi sila makakatakas sa ginawang krimen.

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

AYON

BALA

CALOOCAN CITY

DAANG BAKAL ST. BGY

DEPARTMENT OF HEALTH

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ISINUGOD

MARIKINA CITY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with