^

Punto Mo

‘Akyat-bahay’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HABANG nasa kasagsagan ang pagdiriwang ngayong Pasko, doble-kayod naman ang mga kawatan.

Sinasamantala ang pagkakataon habang wala ang mga residente sa kanila-kanilang mga bahay. Hindi na magkandaugaga sa pagmamanman sa mga subdibisyon at sa mga bahay na alam nilang abandonado.

Inaasahan na kasing marami sa mga residente sa lungsod ang uuwi sa mga probinsya o hindi naman kaya bibisita sa kanilang mga kaanak sa mga karatig-lugar.

Sa mga aalis ng bahay ngayong bisperas ng Pasko, kuwidaw, baka maisahan at masalisihan kayo ng mga nagrorondang akyat-bahay.

Lingid sa inyong kaalaman, nakaposte na sila sa inyong bakuran.  At bago pa man kayo umalis, napag-aralan na nilang mabuti ang kanilang mga papasukan at lulusutan.

Maliban dito, saulado na rin nila ang galaw ng mga nakatira. Anong oras, umaalis at umuuwi.

Pangunahing target ng grupo ang mga bahay na walang tao sa mga komunidad partikular sa mga subdibisyon.

Sa anumang kadahilanan at mga pagpapanggap, nagagawa nilang makapasok at makalusot sa mga guwardya na nakatalaga sa mga gate.

Pinaalalahanan ang publiko, bago umalis ng bahay, tiyaking naka-lock ang lahat ng mga maaaring pasukan ng mga masasamang-loob at kawatan.

Mabuting ipagbilin din sa mga pinagkakatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay lalo na kung mawawala kayo ng mga ilang araw.

Hindi dapat ipahalata sa mga kawatan na walang tao sa bahay upang hindi makatawag pansin sa kanilang maitim na balakin.

 

ANONG

BAHAY

INAASAHAN

LINGID

MABUTING

MALIBAN

PANGUNAHING

PASKO

PINAALALAHANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with