^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (Round 2)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

21. Ang condom na nakatago sa wallet ng mahigit na isang buwan ay nababawasan ng tibay kaya 50 percent ang tsansa na mabutas kapag ginamit.

22. Ang sabi ng mga psychologists, mga 2 hanggang 4 na taon ang haba ng panahon upang makilala nang lubusan ang isang tao. Bumababa ang tsansa ng paghihiwalay, kung ganito kahaba ang hihintaying panahon ng magnobyo bago magpakasal.

23. Gawing professional-sounding ang email-address na ibi­bigay ninyo sa kompanyang pinag-aaplayan ng trabaho. Sa palagay mo ba, makakapagpataas ng tsansang matanggap ka kung ang iyong ang email address ay kagaya nito: [email protected].

24. Sa party, lollipop ang gamiting panghalo sa fruit juice or any mixed drinks para may extra flavor.

25. Mas nagiging malutong ang pizza dough kung ipapainit ito sa frying pan kaysa oven.

26. Kung umutang sa iyo ng P1000 ang isang kakilala at pagkatapos ay hindi na ito nagpakita sa iyo, ganoon ka-cheap ang presyo ng pagkatao niya—P1000!

27. Sa English language, ang paggamit ng salitang “very” ay isang katamaran. Halimbawa: Sa halip na sabihing very tired, sabihin mo exhausted. Sa halip na very sad, gamitin ang morose.

28. Ang pagkakaroon ng panaginip habang natutulog ay isang paraan ng utak upang makalimutan ang masasakit nating karanasan.

29. Sabi ni Ed Sheeran, English singer-songwriter: Hindi ko alam ang susi para magtagumpay; ngunit alam ko ang susi para mabigo — trying to please everyone.

30. Kapag magpapainit ng pizza sa microwave oven, itabi sa pizza ang isang tasa na may lamang tubig upang hindi maging makunat ang crust.

BUMABABA

ED SHEERAN

HALIMBAWA

ISANG

KAPAG

KUNG

SA ENGLISH

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with