EDITORYAL - Walisin sa kalsada ang Don Mariano
ININSPECTION kahapon ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga unit ng Don Mariano Transit Corp. at bagsak ang mga ito sa road worthiness. Ibig sabihin, disÂpalinghado ang mga bus ng nasabing kompanya. Hindi karapat-dapat magsakay ng mga tao at baka ihulog lang nila sa tulay, flyover, bangin at skyway gaya nang nangyari noong Lunes ng umaga kung saan isang bus ng Don Mariano (Body No. 861 at may plate number UVC 916) ang dumayb mula sa skyway na nagresulta sa kamatayan ng 18-katao at pagkasugat ng 16 na iba pa. Nabagsakan ng bus ang isang nagdaraang closed van sa service road. Nawasak ang bus at naipit sa loob ang mga pasahero.
Nakunan ng CCTV ang Don Mariano habang pagiwang-giwang na tumatakbo sa skyway. Mabilis ang bus na ayon sa nangangasiwa ng skyway ay maaaring lampas 100 kph. Ang maximum speed limit sa Skyway kapag umuulan ay 65 kph.
Nakapagtataka naman kung bakit isang buwang suspensiyon lamang ang pinataw na suspension sa mga bus ng Don Mariano. Napakagaan namang parusa ito gayung maraming buhay ang nasayang dahil sa kamalian at kaignorantehan ng bus driver.
Umano’y marami nang kinasangkutang aksidente ang mga bus ng Don Mariano at nakapagtatakang hindi pa ito nababawian ng prankisa. Isang malaking katanungan kung bakit sa kabila na marami nang kinasangkutang aksidente ay patuloy pa ring nagbiÂbiyahe ang bus. Bakit hinahayaang bumiyahe ang marami nang pinatay? Nakakapag-isip tuloy na baka may perang sangkot kaya patuloy na nakakabiyahe ang Don Mariano sa kabila na marami nang pinatay na pasahero. Baka “nilalagyan†ng Don Mariano ang LTFRB.
Walisin sa kalsada ang mga bus ng Don Mariano para wala nang buhay na masayang. Kapag hinayaan pang makabiyahe ang mga “killer bus†asahan na marami pang mamamatay. Paigtingin din naman ang kampanya laban sa nag-o-overspeeding lalo na sa skyway. Sa toll booth pa lamang ay ipaalala ang tamang speed limit sa mga driver para makaiwas sa trahedya.
- Latest